Chat

1.8K 38 78
                                    


Naka upo sa sulok nag iisip sa bakit.
Bakit nahulog sa chat lang?
Bakit nahulog ng hindi inaasahan?
Bakit nahulog sa iyong patibong?
Bakit nagmahal ako sa taong sa chat ko lang nauusap?
Tanga nga siguro ako kasi nahulog ako sa chat lang.

Tama bang mabuhay sa relasyong hindi mo alam ang patutunguhan? Bakit ako'y bigo? Nakaka asar. Nakaka gago!

Piliin mo siya dahil sa madaming kadahilanan. Palayain mo na ako sa relasyong nakaka asar. Sa relasyong parang hindi totoo.

Mahal.. Piliin mo siya.. Piliin mo siya hindi dahil sa ayoko na. Piliin mo siya hindi dahil sa wala na akong nararamdamang pagmamahal. Piliin mo siya kundi dahil sa mas mamahalain ka niya. Mas mapaparamdam niya ang pagmamahal niya.

Kaya ka niyang hawakan ng madiin. Yakapin ng mahigpit. Haplusin sa buhok. Halikan sa bibig.

Mas sasaya ka sa kanya dahil nakakapiling mo siya. Mas sasaya ka sakanya dahil sa andyan sa tabi mo pag malungkot ka. Andyan siya sa panahon na masaya ka. Andyan siya sa mga oras na umiiyak ka at kailangan mo ng balikat na mayayakapan.

Mahal, tama lang ito. Tama labg na tayo'y lumayo. Tigilan na natin ang kahibangan na ito. Pag ibig ko'y kakalimutan nalang. Dahil tayo'y nahihirapan na lamang. Nahihirapan tayo dahil tayo'y nag uusap sa chat lang.

Ang hirap takbuhan ng realidad. Umiiyak gabi-gabi sa katanungang ang hirap sagutan. Minahal mo ba talaga ako? Nasaktan ako nung umamin ka na dalawa pala kami dyan sa puso mk. Dalawa pala kaming mahal mo pero hindi ko alam kong ako lang ba talaga ang jowa mo o baka dalawa din kaming pinag sabay mo?

Payakap kahit hindi ko ito mararamdaman. Gusto ko lang na sa huling pahina ay bago ko malagyan ng tuldok ang ating pinagsamahan ay masabi ko na mahal na mahal kita kahit sa chat na pag uusap lang.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now