Over Filter

825 19 42
                                    


Ipakita mo kong ano ka talaga, hindi iyong naglilihim kapa sa iba at nag mamagandang loob kahit hindi naman talaga..

Hindi ko kailangan ng plastic na kagaya mo. Wala akong hilig sa pag re reseklo. Akala ko larawan lang ang nalalagyan ng pampaganda o tinatawag nilang filter o ano pa.  Pero pati na pala ugali may filter na.

Kasama kita sa araw na napahiya ako sa karamihan. Tinulungan mo pa ako at inalalayan. Ngunit hindi inaasahang ikaw pala ang dahilan sa aking kahihiyan. Ihinarang ang paa sa dinadaanan upang madapa sa harap ng karamihan.

Tama na ang Over Filter sa katawan, nananakit ka hindi man pisikalan pero emosyonalan. Nananaksak patalikod habang nililibang mo ako sa mga simpleng pag biro dahilan bakit nawasak ang puso.

Naalala ko nga pala. Diba sabi mo ayaw mo sa mga medyo jeje at maingay. Ayaw mo sa mga 'yan kasi nakaka irita sa katawan. Pero parang ako ang iyong sinasabihan kaya pabiro kitang binara at ako'y iyong sinabihan "Okay lang naman sa iyo ang ganyan." Eh kasi naman ako'y nasa iyong harapan.

Maganda kanga sa aking harapan. Maganda sa panloob at panlabas. Pero pagtalikod ko, lahat ng kapangitan ay inilalabas mo at ako'y sinisiraan.

Mas mabuting maging tunay ka kesa manakit ng iba ng hindi nila nalalaman.

Umalis ka sa harapan ko hangga't may natitira pa akong kabaitan. Baka sakaling ika'y masaktan ng pisikalan.




-S.MerQuita

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon