Jack 'N Poy

709 12 16
                                    


Kong sa simula palang ay wala na, itigil mo na. Hindi iyong magkakalat kapa ng mga bagay bagay na ikakasakit ng iba.

Nagkwe kwentohan, nagtatawanan, nagmumurahan at nag kakaintindihan. Naalala ko ang mga masasayang ala ala natin noong isang buwan, pero ako'y napaiyak sa aking nalaman.

"MALANDI KA!" Sigaw mo sa aking harapan. Kinakabahan pero ika'y tinawanan at pinalo kapa sa braso dahil sa pagbibiro mo ngunit, bigla mo nalang sinabi na seryoso ka at nalalandian kana talaga sa akin at naiirita simula pa noong una tayong nagkakakilala.

Ang sakit marinig ang mga salitang binitawan mo. Para bang  binabato ako ng kutsilyo habang binabato mo ang salitang malandi ako.

Sana hindi mo nalang ako kinaibigan kong ayaw mo sa akin. Sana hindi mo nalang ako pinansin. Sana hindi ka nalang umamin. Edi sana hindi ako mapapaisip kong bakit ako naging malandi ako sa iyong paningin.

Para akong platong binitawan. Basag na basag at nasasaktan. Ngunit gaya ng plato pag hindi mo iningatan tiyak na ika'y masusugatan.

Para tayong nasa larong Jack 'N Poy. Kong saan mayroong papel, gunting at bato.

Unang laro ay panalo ako. Masaya ako sa piling mo. Pinapatahan pag nalulungkot ako. Pinapasaya mo ako.

Pangalawang laro. Talo ako. Papel ka, bato naman ako. May papel ka sa buhay ko at importante ka sa puso ko. Pero para akong bato lamang sa iyo na tinatapak tapakan mo na parang wala akong pakinabang sa iyo.

Pangatlong laro. Patas tayo. Bato ka bato ako. Nag babatuhan ng masasakit na salita hanggang mapagod na ako kaka away sa iyo at sa pang apat na laro, talo na naman ako.

Bato ka, gunting ako. Ang hirap kalimutan ang nakaraan kong saan masaya pa tayo. Ang hirap putulin ang ikaw sa buhay ko. Pero hindi ako tumigil at naglaro na naman tayo. Pero sinisigurado ko sa pagkakataong ito, panalo na ako.

Papel ka at gunting na naman ako. Nakaya ko nang putulin kong anong meron tayo. Pinutol ko na ang pagkakaibigang tinayo.







-S.MerQuita

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon