Guro

393 9 0
                                    


Itong araw na ito ay ang araw ng mga guro. Kong saan kaming mga estudyante ay papasayahin, patatawanin at paiiyakin namin sa tuwa ang aming guro. Itong araw na ito ay ang itinakda para tayong lahat ay mag tawanan, walang usapang tungkol sa takdang aralin na ikakapang hina ng karamihan sa amin.

Ang araw na itinakda na ang mga pasaway ay kunwari hihingi ng paumanhin tapos uulitin ulitin ang kakulitan nila hanggang sa matapos ang taong ito. Na ang sinasabing mga pabida ay magpapabida, kapit ng kapit kay ma'am, yakap ng yakap kay ma'am na akala mo'y tunay na anak ni ma'am. Na ang mga tahimik ay mag iingay para sa itinakdang oras na ito.

Sa ilang buwan na pag sasama natin sa loob ng apat na sulok na ito ay hindi maiiwasan ang away, iyakan, kulitan, pikonan at syempre ang kasiyahan.

Awayan na nagdudulot ng pang gigigil ni ma'am. Iyakan dahil sa mga bagay bagay na hindi pagkaka intindihan lalo na sa ating mga markang inilaan. Kulitan na kong saan mag tatapunan ng mga papel, aasarin ang kaklase at madami pa. Pikonan kong saan kong sino pa iyong nang aasar ay siya pa ang mapipikon pag iyong iinisin. Kasiyahan, na kong saan lahat tayo ay nag kakaisa, nag hahampasan, naghahalakhakan na parang walang bukas pa.

Ma'am, salamat sa mga oras na iyong inilaan. Salamat sa pag mamahal na iyong ipinaramdam. Salamat dahil sa oras na ikaw ay kailangan ay handa kang kami ay tulungan. Ma'am salamat dahil kahit ganito kami ka kulit ay kami ay iyong pinagtatatyagaan. Salamat, salamat sa lahat ng mga iyong ipinaramdam sa aming kasiyahan.

Happy Teacher's Day Ma'am Ivy Tac-on. Mahal ka naming lahat.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon