Guro

451 6 1
                                    


Guro, guro ay ang taong taga pag turo.
Sila ang ating pangalawang magulang at ang ating tahanan kasama s'ya ay ang paaralan.

Guro, guro ay ang taong kahit naiiyak na ay ngumingiti pa rin pag tayo ang kaharap nila. Na kahit nanghihina na sila sa kanilang personal na problema ay ngumingiti lang sila. Na kahit gusto na nila tayong kurutin ay hindi nila magawa gawa.

Guro, guro namin na kahit nagagalit na ay tumatawa pa. Na kahit naiinis na ay tumatawa pa rin siya. Ang guro namin na parang kaibigan at magulang na ang turingingan sa isa't isa.

Ma'am, ito.. Itong rosas na ito. Itong rosas na hawak hawak ko ay sumisimbolo sa iyo. Ang rosas na sobrang bango na gaya ng iyong pagka tao. Walang bahong naka tago, puro bango lang ang maaamoy mo. Ang magandang rosas na ito ay sumisimbolo sa iyo. Ang ganda ng iyong panlabas at panloob na anyo. Na sa sobrang bait mo ay hindi mo magawang magalit sa aming mga anak anakan mo. At ang tinik ng rosas ay kasama na din sa maisisimbolo ko sa iyo, kahit gaano pa kabait ang isang tao pag iyong saktan ay lumalaban pa rin ito.

Ma'am itong rosas na ito ay para sa iyo. Dahil itong rosas na ito ay puno ng pag mamahal namin para sa iyo. Na kahit pasaway kaming sa iyo ay minahal mo kami ng buo.

Ma'am sana hindi kayo mag sawang mahalin kami, alagaan kami at unawain kaming iyong estudyante. Ma'am, ikaw ang isang guro na hinahangad ng karamihan. Isang gurong maikukumpara sa isang rosas na hawak hawak ko ngayon.

S.MerQuita

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now