Sarili

219 2 0
                                    

Naniniwala ba kayo na "time heals"? kasi base sa aking naramdaman, time is just a concelear. Matatakpan lang nito ang mga sugat na natamo, pero hindi niya ito mapapagaling. Hindi nito mapapa hilom ang sugat mo.

Hindi sa lahat ng bagay ay oras ang kailangan. Kailangan mo ang iyong sarili, ang iyong puso't isipan. Tanggapin ang lahat ng nangyaring pasakit upang hindi na muling masaktan.

Oras na ibinigay mo sa taong mahal mo. Taong pinuyat ka lang pero hindi ka jinowa. Taong binuo mo pero hindi naging kayo. Taong hinintay mo habang hinihintay niya an kaniyang gusto.

Hindi oras ang magpapagaling sa iyo, hindi lang ikaw ang kailangan para maging maayos ang sarili mo, hindi lang "kaya mo!" ng mga kakilala mo ang magpapa gaan ng loob mo, dahil ang tanging makakagamot ng sakit na naimarka sa iyo, ay ang pagtanggap sa katotohanan nararamdaman at nangyayari ngayon sa iyo.

Wag tayo doon sa taong mahal ka lang kasi wala pa ang tunay na mahal nila. Wag tayo sa taong ikaw ang choice pag no choice na. Wag tayo sa taong hindi pa tapos mag mahal ng iba. Kasi kahit anong iyak o hikbi, magmaka awa man o lumuhod, ang unang minahal parin niya ang pipiliin.

Kong hindi kaya ang pambura upang ma alis siya sa buhay mo, kumuha ka nalang ng bagong papel na pag susulatan mo sa bagong yugto ng buhay mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now