Basang Unan

433 6 0
                                    


Ilang basang unan pa ba ang mararamdaman?
Ilang basang unan pa ba ang aking matutuklasan sa umaga sa pag gising?
Ilang unan pa ba ang magiging pagitan ng ikaw at ako?
Ilang katok pa ba ang gagawin ko para ako'y maka pasok d'yan sa puso mo?
Alam mo ba iyong pakiramdam sa mahulog ng tuluyan sa iyong kaibigan na malabong iyong maging ka-ibigan? Ilang pagkakataon pa ba ang masasayang bago ko masabi ang mga salitang gusto kong ipa alam?

Natatakot ako.. Natatakot akong ipa alam sa iyo baka ikaw ay lumayo, pagkakaibiga'y maglalaho dahil sa mga sasabihin ko sa iyo. Sa mga gusto gusto ko ipa alam iyo. Pinilit kong iwasan ito, iniisip ko na ito'y hindi totoo at hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa iyo pero shit, bakit ang sweet mo masyado? Hindi ko maiwasang kiligin at mahulog sa mga salitang binitawan mo. "I miss you" "I love you" at kong ano pa d'yan na dahilan at heto ako ngayon, tanga at umaasa sa iyo.

Ito iyong feeling na matatawag mo na akong assuming. Pero wala eh, pag ikaw ay nasa piling hindi ko maiwasang isipin na baka may pag asa? Baka tayo talaga sa isa't isa? Baka hindi lang ako ang may nadarama? Wala namang masama diba? Walang masama kong subokan. Pero hindi, dahil sa araw na nag desisyon akong umamin sa iyo ay nakita kitang may kayakap na iba.

Kailan pa? Bakit hindi ko alam na may kasintahan ka? Bakit hindi mo naikwento na may mahal ka na pala? Sana sinabi mo, kasi kaibigan mo ako! Para alam ko. Para hindi na ako umasa pa sa iyo.

Tinignan ko kong sino kayakap mo. Natigil ako sa nakita ko. Kapatid ko pala ang gusto mo? Kaya pala nakita ko kayong dalawa minsan na magkasama. Na pag and'yan ka sa bahay at kasama ko siya, parang may sarili kayong mundo kong mag usap kayong dalawa.

Ang sakit magmahal ng kaibigan kasi maraming masasayang. Pero mas masakit pag ang mahal mo ay ang mahal niya ay ang kapatid mo. Nakakatawa, pinag lalaruan na ako ng tadhana.

Umabot ang buwan at inamin niyo na. Hindi ako nagpahalata na alam ko, tudo suporta pa ako at pakilig kilig kunwari kahit ang puso ko basag na at ang luha ko ay gusto ng tumulo. At doon ko napagtanto, kailangan ko munang magpaka layo layo. Titigilan ko na ang kahibangan ko. Sana ay maging masaya kayo at gusto ko lang malaman mo..

"Mahal kita"

-S.MerQuita

Spoken PoetryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα