Prologue

86 2 0
                                    

"Mom why are we here" tanong ng batang babae sa kanyang ina, ito ang unang beses na makakapunta sa party ang batang babae dahil sa pagiging mahiyain nito.

"We will attend tita fe's party, remember tita fe?" She sweetly ask the baby girl,

"Yes mommy" she said shyly, nagpunta na sila sa loob at andaming taong nakapaligid kayat nagsumiksik pang lalo ang batang babae sa kanyang mommy.

"Hi fe, happy birthday" bati ng kanyang ina sa babaeng maganda at sophisticated, nakipagbeso ang kanyang ina at nagbigay ng regalo.

"Buti naman nakarating ka, hi baby girl, how are you?" Tanong naman ng tita fe sa batang babae, pero nginitian lang ito ng batang babae.

"She's so pretty, dalhin muna natin sya sa playroom andun sila miguel at mga friends nya" sabi ng babaeng kausap ng mommy nya at nagpunta sila sa isang kwarto na maraming laruan at may mga bata.

"Baby, stay here, play with them ha, I'll be back" sabi ng kanyang mommy at hinalikan sya sa noo at umalis na kaya wala syang choice kundi ang maglaro.

Nagpunta sya sa isang sulok at kumuha ng papel at crayons, magdadrawing nalang sya kasi hindi naman sya sanay makipaglaro sa iba, isa lang naman ang kalaro nya at yun ay ang kanyang bestfriend.

Nagdadrawing sya ng flower ng may lumapit sakanyang isang batang lalake.

"Hi, what are you doing?" Tanong nito sakanya, pero hindi sya sumagot dahil nahihiya sya.

"It's pretty like you" sabi ulit nito pero di pa rin nya pinansin, pinapanuod lang sya ng batang lalake ng may biglang lumapit na isang lalake.

"Dave, what are you doing here? And who is she?" Tanong ng batang lalakeng sa batang lalakeng nanunuod.

"I don't know, I just saw her here" he just shrugged, at tumayo na pero bago sila umalis huminto muna yung dave at lumhod para magpantay sila ng batang babaeng nagdadrawing.

"You have a dirt in you cheeks, here use this" sabi ng batang dave sa batang babae at binigay ang panyo nya.

Pagkatapos nyang magdrawing ay umupo nalang sya sa isang corner at iniwan na ang kanyang drawing.

"Hey! Why are you always alone?" Tanong ng batang lalake kanina na nagtawag kay dave. Hindi nya pa din ito sinagot.

"Where's your drawing?" Tanong ulit nito at tinuro naman ng batang babae kung saan nakalagay yung drawin nya.

"Pipi ka ba?" Tanong ulit ng makulit na bata pero nanatili pa ring tahimik ang batang babae kaya umalis nalang ang batang lalake.

Ilang sandali lang ay sinundo na ng mga magulang at yaya ang mga tao sa playroom at ang naiwan nalang ay ang batang lalake, ng makasiguro syang nakaalis na ang lahat, kinuha nya ang drawing ng batang babae at itinago sa bulsa ng kanyang pantalon.

Realizing I Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora