Chapter 3

21 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa cafeteria mag-isa pano ba naman kasi hindi pumasok ang magaling na beatrice na yun, di ko naman gustong istorbohin si vince kasi for sure kasama nun barkada nya, kaya ako ang naging loner.

Nagbabasa ako ng libro ng may biglang naglapag saken ng box na maliit sa table sa harapan ko, pagtingin ko si vince na nakaupo sa harap ko at itinuro ang box na nasa harap ko. Yung box nung gift nya kay mich.

"Oh? Ano naman to? Di ko naman to birthday ah" kunot noong tanong ko rito, pano di naman ako binibigyan ng mga bagay bagay netong taong to, mga girlfriends lang binibigyan neto pag mkikipagbreak na.

"Sayo nalang, di ko tinuloy yung kay mich, bigla akong naguilty eh" paliwanag neto.

"Naguilty? Kelan ka pa nakaramdam nyan vincent miguel" pang-aasar ko pa rito.

"Kelangan ko ng magtino, sabi ko sayo diba? Magpopropose na ko kay trish pagdating nya" para lang tong nagpapaliwanag sa bata, excuse me! Naiintindihan ko naman no!

"Buti naman narealize mo na" I just roll my eyes at him.

"Pero may isa pa kong problema eh" sabi neto parang anlalim ng iniisip.

"At ano naman yun? Don't tell me may nabuntis ka?" Takang tanong ko rito, ano naman kayang poproblemahin ng taong to?

"Ha.ha! Nakakatawa! Syempre wala! The problem is, kelangan kong magplan kung pano magpopropose dapat yung sweet, dapat yung sobrang matutuwa sya" napabuntung hininga pa sya, haay naku lalake talaga!

"Yun lang ba? Sus andali dali lang! Ako na bahala! Wag mo ng problemahin!" Sabi ko rito at bigla nalang akong niyakap, baliw talaga tong lalakeng to!

"Sabi na nga ba eh! Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko" at hinalikan ako bigla sa pisngi bigla ko naman syang tinulak dahil sa pagkabigla ko.

"Masyado ka ng nakakachancing! Dun ka na nga!" Pagtataboy ko rito.

"Lance" tawag ni vince sa lalakeng kapapasok lang cafeteria. Shit! Di ako ready!

"Bro! Hi pretty" bati neto samen ni lance at si vince naman biglang tumawa.

"Bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko bro?" Takang tanong ni lance sa baliw na lalake.

"Wala. Wala" tanggi naman ng isa! Kahit alam ko naman yung tinatawanan nya! Yung sinabihan akong maganda! Epal to kakit kailan eh, siguro kaya mababa self-confidence ko dahil sa taong to! Pinapamukha saken laging di ako maganda eh.

"Sinabihan mo daw kasi akong maganda kaya sya tumatawa" di ko mapigilan yung sarili ko, lagi kong pinipilit yung sarili kong wag masaktan pag ginagawa saken yun ni vince pero feeling ko ngayon pahiyang pahiya ako dahil andito si lance.

"Ulul ka talaga vince! Ang ganda kaya ni venice! Tsk. Venice okay lang bang patabe?" Nagnod lang ako habang pinipilit ko pang alisin yung nabuong luha sa gilid ng mata ko.

"Hoy baka maniwala yang si patty! Mamaya umasa pa yan sayo!" Sabi ni lance dito na di pa rin mawala yung ngiti.

"Okay lang na umasa sya, di ko naman sya sasaktan eh" napatingin ako bigla dito at ramdam kong namumula na yung mukha,

"Ha?" Yun lang nasabi ko dahil nasspeechless ako.

"Lance! Not my bestfriend!" Pagbababala ni vince dito, I know this time seryoso na to, may pagkaprotective din to minsan eh.

"What? I won't harm her! Besides nagpunta talaga ko dito para yayain si venice magdinner sa saturday kung okay lang sakanya" napahawak pa to sa batok na parang nahihiya kaya natawa nalang ako.

"Sure.. Oo naman, okay lang sakin" at binigyan ko ito ng sweet smile, omigosh! I'm so kinikilig na talaga.

"Una na ko, may klase pa ko eh" paalam ni vince na tuloy tuloy ng naglakad.

"Ako din pala ven, sa saturday ha!" At umalis na din ako. Omg! Can someone tell me na hindi lang to panaginip? Ito na ba ang simula?

Realizing I Love YouWhere stories live. Discover now