Chapter 5

19 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, pagtingin ko sa paligid ko nasa kwarto ko na ako, ano bang nangyare kagabi? Tss. Di naman ako lasing para walang maalala, ang huling naalala ko lang ay nakatulog ako sa kotse ni vince, yun lang at wala na. Siguro hinatid na naman ako neto sa kwarto ko, haaay! Bakit ba kasi napakamantika ko kung matulog, ang hirap kong magising palagi, kaya yun din lagi ang problema ni mama eh, kaya nga late yung mga kinuha kong schedule para di ako mahirapan.

"Patricia Venice! Alas nueve na! 10 ang pasok mo, baka may balak kang bumangon dyan!" Inis na sabi ng mama, well yan na ang normal na eksena namen ni mama sa umaga kaya immune na ko, I'm not really a morning person.

Pagkatapos kong gawin ang normal routine ko sa umaga, dumiretso na ko ng school, di na din ako nagbreakfast kasi sobrang late na ko.

Pagpasok ko sa classroom, wala pa yung prof pero sambakol ang mukha ni beatrice, mukhang may problema ang bruha.

"Hoy! Ang aga aga bakit ganyan yung mukha mo" bati ko rito.

"Maganda ba?" Tanong nito, pero di pa din tumitingin sa direksyon ko.

"Sino?" Takang tanong ko rito, may tama ata to sa utak eh.

"Yung girlfriend ni ian" shit! Pano nya yun nalaman? Di ko nga kinukwento kasi alam kong mahuhurt sya eh, san kaya nya nalaman.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko ulit dito.

"Sa instagram, finafollow ko kasi si ate vianca eh, nakita ko yung post nya kagabi, may mga pictures kayo dun atsaka nakita ko si ian nakaakbay tas nakakiss sa cheek nung girl, maganda ba sya? Kakalimutan ko na ba si ian?" Mahabang litanya neto na mukhang maiiyak na. Haaay, my poor bestfriend, sabi ko kasi patulong na kami kay vince eh, kaso wala syang bilib sa sarili nya, sinasabi nyang pangit sya pero sa totoo lang maganda talaga sya, kahit maliit, sobrang amo ng mukha nya.

"Bea! Wag ka ng malungkot, makakalimutan mo din sya, gusto mo kain nalang tayo ng ice cream mamaya sa cafeteria para wag ka ng malungkot?" Minsan kasi parang bata to eh, favorite nya ang ice cream, pag depress ito sa grades nya, nililibre nya ito ng ice cream para matuwa ito,

Buong klase tahimik pa din si bea, well hindi naman ito ang first time na nagkaganyan sya bale pangatlo na, ito lang mas matindi dati kasi malungkot lang sya talaga, pero nawawala din agad, pero kanina parang maiiyak na sya.

Pagkatapos ng klase dumiretso na sila sa cafeteria, at dun nakita nya si vince kaya agad nilang nilapitan to.

"Vince" masyang bati nya rito, ngumiti naman ito at pinaupo sila.

"Antagal nyo, kanina ko pa kayo hinihintay dito. Hi bea! Ngayon lang ulit tayo nagkita ah, kamusta na?" Bati neto kay bea, hindi sila close pero magkakilala sila, at alam din ni vince na may gusto nga si bea kay ian.

"Okay lang" umupo na ito sa tapat namen, magkatabi kami ni vince, pagupo ko siniko ako ni vince at nginuso si bea na malungkot na naman.

"Nakita nya picture ni ian at nung babae kagabi kaya ayan, broken hearted" bulong ko rito, ngumiti naman ito at nagsalita.

"Alam mo bea, ikaw talaga ang gusto ko para kay ian, para naman tumino na yung kaibigan kong yun" bola nito kay bea na lalo namang lumungkot kaya naman biglang nawala din ang ngiti namen ni vince.

"Hmp! Eh di naman ako mapapansin nun eh, atsaka wag nyo na kong pansinin umorder nalang kayo" at nangalumbaba na nman, kaya wala na kaming nagawa ni vince kundi ang umorder.

Umorder ako ng dalawang ice cream at si vince naman ay nilibre ako ng spaghetti at tuna sandwich my favorite, sya naman umorder ng kanin at ulam na adobong baboy, di na nagsawa to sa adobo, masyado nyang favorite.

Pagkaupo namen saka namen napansin si ian na papalapit samen.

"Bro, bat mo ko pinapunta rito?" Tanong ni ian kay vince na naupo sa tabi ni bea na ngayon ay nakayuko lang at nilalaro ang ice cream nya.

"May pag-uusapan kasi tayo mamaya bro," sabi lang neto, si bea naman mukhang nagulat at tumingin kay vince na parang nagmamakaawa, ngunit kinindatan lang ito ng loko.

"Bro naman, mamaya pa pala eh, sarap pa ng tulog ko eh! Tsk" reklamo neto sa kaibigan.

"Arte mo! Syanga pala, sya si beatrice bestfriend ni patty" pakilala neto kay bea kaya naman tumingin si ian kay bea na parang kinikilala.

"Hi! You look familiar" sabi dito ni ian na di pa din nawawala ang tingin sa mukha ni bea.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ni bea na mukhang namesmerize sa katabi.

"Ah alam ko na! Kamukha mo yung kapatid ng first love ko, pero sa picture ko lang naman yun nakita," sabi neto at bumaling naman saken "venice san pala kayo magdidinner ni lance bukas" nagulat naman ako sa tanong nya, oo nga nawala yun sa isip ko, saturday na pala bukas.

"Ah.. Eh, hindi ko pa alam eh, depende kay lance" sabi nya rito. San nga kaya sya dadalin ni lance? Sana romantic.

"Ikaw vince? San mo dadalin yung date mo bukas?" Tanong ni ian kay vince, at may date pala tong lalakeng to ha! Gago talaga.

"Ewan pa, di ko nga alam kay trey kung tuloy eh, siguro sasabay nalang kami kay lance, para double date diba?" Tumingin pa ito at tinaas-taas ang kilay nya.

"Wag na! Humanap ka nalang ng iba" kontra nya dito, sisingit pa eh!

"Ah ganun? Ako na gumagawa ng paraan para makapagbonding tayo eh, tas mas gusto mo pa pala ang makasama ang iba, sabagay BESTFRIEND mo lang naman ako ng ILANG TAON" sabi neto sa malungkot na mga mata, at tulad ng dati pag nalulungkot ito lagi nalang syang pumapayag para wag na itong magtampo.

"Syempre joke lang yun! Sabi ko nga sabihin mo kay lance na dagdagan ng apat yung ireserve nya eh, mas mahalaga naman BESTFRIEND ko noh! Kesa kanino man" paglalambing ko dito na ngumiti naman, haay. Di na pwedeng bawiin yun, babawi nalang ako sa susunod.

"Sige, sabi ko na nga mas love mo ko bestfriend eh" sabi pa neto at yumakap pa saken "eh pero bakit apat ang idadagdag?" Takang tanong nito.

"Isasama ko si bea eh, para mas masaya, isama nyo na din si ian, okay lang ba ian?" Tanong ko kay ian.

"Uhm, I think wala naman kaming date ng girlfriend ko tomorrow so, yeah! I'll go, gusto ko rin makita date neto ni vince eh, sabi ni trey hot daw" at ngumiti pa ito ng nakakaloko, yes! Sigurado mas sasaya kasi mas marami, di din ako maawkwardan.

Sana maging okay ang resulta ng date namen bukas, masaya ako, dahil makakadate ko si lance, at kasama ko pa ang dalawa kong bestfriend.

Realizing I Love YouWhere stories live. Discover now