Chapter 2

20 3 0
                                    

Nandito na ko sa klase pero di pa rin mawala sa utak ko na sinabihan ako ni lance ng maganda. Grabe! Dati maghi lang sya sobrang buo na araw nya, tas ngayon maganda? Woaah! Grabe talaga! Is this my time to shine? Charot! Hindi! Hindi ako aasa, okay na saken yung babatiin nya ko na di sinasabi ni vince, na makakapagusap kami, na babatiin nya ko pag nagkita kami sa hallway, haaay grabe! Sobrang nakakatuwa talaga.

"Hoy! Ven ano ba! Kanina ka pa nagsspace out dyan, para namang nagpropose na sayo si lance kung makapagreact" she just roll her eyes, yah! Alam nya na, she's my other bestfriends, si bea. Beatrice gomez. Sakanya ko nagkukwento about sa lovelife ko kasi di naman ako maiintindihan ni vince

"Whatever! Ikaw kasi puro tingin ka lang sa malayo eh" ang tinutukoy ko eh si ian, isa din sa friends ni vince, pinipilit ko nga si bea na sabihin ko kay vince para mapansin sya, pero tong gaga! Ayaw! Mas mahuhurt lang daw sya pag makita nya mismo sa mukha ni ian na ayaw sya neto. Haaay! Napaka negative thinker talaga ng kaibigan ko.

"Saken naman ngayon napunta! Wala daw class ng last subject, tara mall!" Yaya neto, but I just shook my head.

"I can't may pupuntahan kami ni vince, may bibilin daw sya" magtatampo na naman to, lagi kasi sila nagsasabay kung magaya ni vince eh. Haaay.

"Yah! Bestfriend duties" at ngumiti ng nakakaloko, alam nya kasi na may crush ako dati kay vince eh, at ayaw nyang maniwala na nawala na yun, matagal na.

"Bea!" Sawaay ko rito, pero di ako pinansin, kumuha pa ng papel at ballpen tapos may sinulat sa isang notebook, di ko nalang pinansin minsan weird din tong babaeng to eh, idaydream ko nalang ulit si lance mas masaya pa.

Maya maya may lumapag sa desk kong notebook at may nakasulat na pangalan ko at ni vince, tapos sa baba pangalan ko at ni lance! Baliw talaga tong babaeng to tama bang iflames-hope kami, minsan isip bata talaga to eh. Ang naging result samen ni vince sweetheart at yung nagpakilig saken ng sobra yung samen ni lance, LOVERS! OMG! :)

"Ayaw mo kasing maniwala eh! Kami talaga ni lance meant to be" habang yakap yakap ko yung notebook. Ang lame ko! Dahil lang dun kinikilig na ko, pero wala! Ganun talaga! Di ko mapigilan kilig ko.

"Whatever! Mali lang ata pagkakaflames hope ko! Break na! Tara na nga! Kanina pa nakaalis yung prof" naglakad na ito patungo sa pintuan. Babaeng to talaga iniwan ba naman ako, masyado kasing makavince eh!

--------------

"Ano ba kasing magandang iregalo? Kanina pa tayo palakad lakad dito ah" reklamo nito, actually kanina pa reklamo ng reklamo, habang nandito kami sa isang store na puro bags. Sabi ko kasi bag iregalo nya eh mas sweet, at yung uto uto naman, naniwala. Hahaha akalain mo bag? Sa girlfriend? Ano yun nanay? Hahahaha

"Tara na nga! Bilan mo nalang ng bracelet" hinatak ko na sya palabas at pumunta na kami sa bilihan ng mga jewelries.

"Ito nalang" turo nya dun sa bracelet na white gold, simple pero maganda. Binayaran nya na sa cashier, pero nung papalabas na kami, bigla nalang syang huminto at may tinitigan, napatingin naman ako sa tinitingnan nya at pati ako nagandahan, it was a ring na may nakapalibot na mga maliliit na diamonds at sa pinakagitna ay heart shape na may stone na topaz.

"Wow ang ganda" sabi ko na matama pa ding tinititigan yung ring.

"Hi sir,maam, ang ganda po noh? New arrival po yan, sobrang bagay po kay maam" nakangiti pa ito habang tinitingnan kaming dalawa.

"I'll get it" sabi lang ni vince at binigay nya na yung card nya sa sales lady at nung natapos ng bayaran, umalis na kami.

Habang naglalakad kami, gusto ko ng itanong sakanya kung bakit nya yun binili, di na ko nakatiis tinanong ko na "vince bakit mo binili yun?" Nakakunot noong tanong ko rito.

"I'll propose to trish" maikling sagot neto at nagpatuloy ng maglakad, naiwan akong nakatulala lang dun, magpapakasal? Pero masyadong maaga pa, wala naman akong problema dun, pero ewan feeling ko hindi tama. Haay nagiging weird na naman ako, sinundan ko nalang sya papuntang parking lot at umuwe na kami.

Realizing I Love YouWhere stories live. Discover now