Chapter 1

31 3 0
                                    

"Ma! 5 minutes!" Reklamo ko kay mama kasi kanina pa ako ginigising, 10 am pa naman pasok ko at puyat ako kagabi kakabasa ng love stories.

Naramdaman ko ang paglabas ni mama kaya nagbalik ako sa pagtulog, after ilang minuto lang bumukas na naman yung pintuan at sabay hila sa paa ko,kaya napasigaw ako ng bonggang bongga

"What the hell! Vince ano ba yan! Ang aga aga naman eh! Tae!" Reklamo ko kay vince na nasa dulo ng kama ko na natatawa tawa. Tae talaga tong lalakeng to eh! Wala ng ibang gustong gawin kundi buisitin ang tahimik kong buhay! Errr!

Si vince or Vincent Miguel Tan ay ang nag iisa kong bestfriend, naging bestfriend kami nung high school kami, pano napakatamad mag-aral kaya binestfriend ako para may taga gawa ng project, assignment nya at kung ano ano pa, pero kahit tamad yan! Matalino ang bruhong yan, minsan nga mas magaling pa saken yan, kahit todo aral na ko eh, palibhasa matalino rin naman ang parents, doctora ba naman at ang daddy nya may ari ng tan corporation.

Sya rin ang first love ko, pero dahil alam ko namang wala akong mapapala sakanya, dahil hindi nya ako mapapansin pilit ko nalang kinalimutan yung nararamdaman ko sakanya, kaya naman ngayon okay na, tanggap ko ng si vince ay nakalaan para sa iba at ako ay best friend lang nya. Pamilya na ang turing ko sakanya at turing nya sa pamilya ko.

Dahil kasi sa kabusyhan ng parents nya, nagrerebelde ang bruho, di nman sobrang rebelde, pero yung parang walang pakealam lang, isa syang playboy at laging nasasali sa kalokohan, kaya nagiging second mom nya na ang mommy ko eh, kasi sya taga ayos ng gulo neto, bestfriend ng mom ko ang mommy ni vince pero hindi kami naging close nung bata dahil dalawang beses lang naman ako sumama sa party na pinupuntahan nila mommy.

"Hoy! Nakatitig ka na nman saken! Alam ko ng gwapo ako, wag ka ng maamaze" sabi neto na nakasmirk pa. Kinuha ko yung unan at pinagbabato rito ito naman ay tatawa tawang umilag.

"Bat na naman nandito ka ha! Makikibreakfast ka na naman!" Bulyaw ko rito dahil naiinis na naman ako sa taong to! Wala ng ibang ginawa kundi mambuisit!

"Grabe ka naman pats! Sinusundo na nga kita ikaw pa may ganang magalit" pagpapakonsensya nito, pero as if gumana sakin yan! Kilalang kilala ko na tong mokong na to.

"Susunduin? Anong kapalit aber!" Sita ko rito, at ayun huli, nagkamot ng batok eh.

"Samahan mo ko bilan ng gift ni mich, 1st monthasry namen" napatanga ako, seryoso ba tong lalakeng to sa babaeng yun?

"Seryoso ka ba dun sa babaeng yun?" Tanong ko rito habang nililigpit ang pinaghigaan ko.

"Hindi, promise nya kasi monthsary namen gagawin eh, pa hard to get kasi eh" sabi neto na umupo na sa gilid ng bed ko.

"Hard to get? 1 month? Duh!" I just rolled my eyes at him!

"Eh syempre noh! Ilang buwan nalang darating na si trish, di na ko makakapambabae, ang arte kasi ni mich eh! Nasayang tuloy 1 month ko" at umiiling iling pa ang loko! Sumbong ko kaya to kay trisha. Haaaaay!

"Eh kung sabihin ko kaya mga pinaggagagawa mo kay trisha pag tumatawag sya saken? Haaay vince! Magbago ka na!" At tumalikod na palabas ng pintuan.

Si trisha ang long time girlfriend ni vince, mag 2 years na sila, pero 1 year nagstay si trisha sa california dahil sya ang kasama ng kapatid nya habang nagbubuntis ito, and dahil sya si trisha-mabait,sweet,responsible,good hearted,perfect- hindi sya nakatanggi ng pakiusapan sya ng mama nya kahit pa iwan pa nito si vince panandalian, and being vince(na mahal sobra si trisha) pumayag syang maghintay,and after 5 months matatapos na ang paghihintay nya, haay 5 months pang manggugulo saken yun.

"Hi sweetie goodmorning" bati ng pinakasweet na mommy sa lahat, nagpeprepare na sya ng breakfast namen ng madatnan ko sya.

"Hi mom, where's dad" dahil hindi ko makita si dad, 7:30 palang 8 kasi yun pumapasok ng office eh.

"Ahh, may urgent meeting, di na nga nakapagbreakfast eh, oh ayan ka na pala vincent! Halika na saluhan mo na kami" paanyaya dito ni mommy na tinututro ang upuan sa tabi ko.

"Thanks tita, buti ka pa niyayaya ako, tong si patty ayaw akong pakainin eh, nakakatampo" mom just giggle, gustong gusto nya kasi yan si vince eh, minsan nga iniisip ko baka sya yung anak hindi ako.

"Ikaw patricia venice ha! Lagi mo nalang inaaway tong bestfriend mo, wag mo syang pansinin lance, napuyat lang yan, nakita ko kagabi babad sa computer, iniistalk yung crush nya for sure" si mom talaga parang teenager! Nakita nya ko bago matulog na nagcocomputer at iniistalk profile ni lance.

"Mom!" Suway ko kay mommy samantalang yung katabi kulang nalang mahiga sa sobrang tawa.

"Kinukulit nga ko lagi nyan tita na pag-hi-in ko daw si lance sakanya eh" well, lance is one of vince's friend, kinukulit ko sya, pero kahit maghi saken si lance di naman ako napapansin, pero okay lang makita ko lang sya masaya na ko.

"Ha.ha funny!" Note the sarcasm, panira talaga to ng umaga.

"Bat ba ang sungit mo pats? Meron ka noh? Tsk. Kaya pala ang lansa eh" at tinakpan pa nya yung ilong nya, tingnan mo nga naman.

"Mom, magbibihis na ko" padabog kong binaba yung kutsara sa table at umalis na. Narinig ko pa silang nagtatawanan! Buisit! Kilala na talaga ko ni vince! Alam nya kung meron ako o wala, depende sa mood, alam nya kung may nagawa kong kasalanan, dahil sweet ako, alam nya mga kinikilos ko, feeling ko nga mas kilala nya ko kesa sa sarili ko eh.

Pagkatapos kong magbihis umalis na din kami ni vince at pumasok, 9 yung klase nya at 10 naman ako, kaya nag aya syang pumunta muna sa coffee shop para daw tumambay, pagdating namen sa coffee shop nanduon din si lance at trey, napamura ko ng mahina "shit", bigla akong kinabahan, shemay! Makakaharap ko si lance! Di naman sa ngayon ko lang sya makakaharap, pero ngayon face to face, damn it! Iniiwasan ko kasi mga friends ni vince eh, nahihiya kasi ako sakanila, feeling ko di ako belong.

"Nice! Andito pala yung dream guy mo patotie!" At hinila na ko papalapit sakanila, deym!

"Bro!" At nag bro fist sila "kilala nyo na sya diba?" At humila na ng upuan at naupo na, kaya umupo na din ako.

Binati ako ni trey at nginitian ko naman, at pagtingin ko kay lance, nakangiti to saken and said.

"Hi patty!" Bati saken ni trey at kinuha kamay ko na hinalikan, babaero moves!

"Venice nalang" sabi ko rito, ayokong nagpapatawag sa first name ko, sila mama at vince lang tumatawag saken ng patricia or patty, kasi dati naging crush ko si vince at nung naging sila ni trisha ayaw ko ng magpatawag ng patricia, sabi ko nalang mas pandalaga ang venice, pero ang totoo ayoko lang kay trisha, pero as time pass by, nawala na yung pagkacrush ko kay vince, dahil si lance na ang laman ng puso ko, laman ng puso! Corny! Di ko namalayan nakangiti na pala ako.

Bigla akong napatingin kay vince na siniko ako. With a ano-ba-yun look. At nginuso nya si lance na nakatingin lang saken.

"Ah, h-h-hi" shit! Bat ba ko kinakabahan, nakatingin lang naman sya saken.

"Hi, mas maganda ka pag malapitan," at kumindat pa, woaaah! Shemay! Feeling ko, mahihimatay ako any minute.

Realizing I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon