Chapter 7

5 0 0
                                    

After that night 2 araw kong di nakita si lance, namimiss ko na sya, at itong si vince naman nasa batangas daw kasama ng family nya kaya kaming dalawa lang lagi magkasama ni bea pero okay lang naman kaso namimiss ko na si vicente at syempre si lance.

"Anong kakainin mo?" Tanong ni bea, nandito kasi kami sa canteen.

"Di ko alam, namimiss ko na si lance"

"Makapag emote ka naman dyan! Girlfriend lang?"

"Eh kasi, namimiss ko na sya sana naman makita ko na sya"

"Haay naku patricia venice! bumili ka nalang ng pagkain mo kung ano ano tumatakbo sa isip mo, halla! Magpunta ka na ron" sabi ni bea.

Minsan talaga napapaisip ako kung bestfriend ko ba si bea o nanay eh, kung makasermon lang? Nakakatawa talaga bestfriend ko.

Bumili nalang ako ng forever favorite kong Lasagna and iced tea.

"Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ni bea

"Hindi, sarap nga eh, try mo?"

"Ako sawang sawa ng panuorin kang kumakain ng ganyan"

"Eh di wag mong panuorin, maliit na bagay" sarcastic kong sabi sakanya.

"Haay ewan ko sayo ven! Kumain na nga lang tayo." Pagsuko nya.

Patapos na kaming kumain ng makita ko si ian at si lance na pumasok ng canteen. Gosh! Sobrang gwapo nya talaga, nakangiti palagi, sobrang bait tingnan di katulad ni vince na di mo mapapangiti pag ayaw nya, walang pakealam basta masya sya, pero si lance babaero, si vince sobra kung magmahal, yung tipong lahat gagawin nya mapasaya ka lang, yung kahit anong sabihin mo gagawin nya wag ka lang magalit at magtampo, yung kahit gabing gabi na mangaabala pa ng ibang tao maprepare lang yung surprise para sayo, ang swerte talaga ni trisha, sana ak.... Wait ano na naman ba tumatakbo sa isip ko? Erase erase.

"Huy!" Bulong saken ni bea na may kasama pang siko.

"Bakit ba?" Tanong ko nginuso nya naman yung nasa likod ko at paglingon ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ha, kanina pa kita tinatawag" sabi ni lance na nakangiti

"Ayy ganun ba? Sorry sorry, upo ka muna" sabi ko then inofder ko yung upuan sa tabi ko, malandi ako eh bakut ba? Haha

"Ano ba iniisip mo?" Tanong nya. Grabe nakakailang ang lapit nya.

"Ah. Ano, yung uhm... Yung ano, yung project! Oo yun! Ang hirap kasi eh di pa naman ako marunong magdrawing" pagsisinungaling ko sana lang makalusot.

"Ano ba yun? Baka pwede kitang tulungan?" Tanong nya emegesh! tutulungan nya daw ako

"Ha? Hindi wag na, ipapagawa ko nalang kay... Bea! Tutal magaling naman magdrawing yan, diba bea?" Sabay sipa ko rito na kinatingin nya.

"Ha?? Ah. Oo! kaya yun! Kayang kaya!" Sabi neto na nakangiti buti nalang nakuha sya sa pagpapalaki ko ng mata haha! Bestfriend communication.

"Talaga? Sige. Ikaw bahala" sabi nya at ngumiti na naman, wait lang lance onti onti naman baka mangisay ako rito.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko rito

"Hinihintay ko nga si ian eh, nanchichicks na naman ata" sabi nya at hinanap si ian sa paligid, nakita ko naman si bea na biglang napainom ng juice nya. Haha tensed na to for sure.

"Ah ganun ba? Gusto nyo dito na kayo tumable? Paalis naman na kami eh" sabi ko baka kasi mapano tong si bea pag tinabihan sya ni ian eh.

"kadarating lang namen aalis na kayo, stay muna kayo dito gusto pa kita makausap eh" sabi nya at ngumiti na naman, mali pala baka ako pala ang mapano hindi si bea, jusmiyo! Lance tama na!

"Ian, lika na" tawag ni lance kay ian ng makita nya ito na naglalakad.

"Psst" pasimpleang tawag ko kay bea pano ba naman nakayuko nalang sya.

"Hi" bati ni ian, "hi beatrice" sabi ni ian at tumabi sa tabi ni bea, si bea naman nakayuko lang, parang tanga talaga tong babaeng to.

"uhm. Magcr lang ako ha," paalam ni bea at umalis

"Bro, may kukunin pa pala ko dun, orderan mo muna ko" paalam naman ni ian at umalis din, yung totoo? Plano ba nilang magsolo kami ni lance?

" anong nangyare dun?" tanong ko kay lance

"Ewan nga eh, simula nung sunday di na yan mapakali" sabi nya naman na ang tinutukoy ay si ian

"Mag order ka na" sabi ko dito dahil ang awkward na.

"Sige, iwan muna kita, wag kang aalis babalikan pa kita" sabi nya ng nakangiti, at ako naman yieeeee! Keleeeeg!

habang nagoorder ai lance bumalik naman si bea galing cr pero parang namamaga mata nya, at namumila sya, umiyak ba to?

"Bat ganyan itsura mo?"

"wala"

"Bakit nga? May problema ba?"

"Wala, masama lang pakiramdam ko"

"Beatrice gomez! I know that there's something wrong so tell me"

"Kasi....." Di nya natuloy ang sasabihin nya dahil dumating na si lance.

"Bilis mo namang umorder" sabj ko rito

"Alam naman na ni ate kung anong order ko eh"

"asan na si ian?" Tanong ko rito

"Ayan oh! Parating na" turo nya kay ian na naglalakad papunta rito,

Si ian parang dora kung san san nagpupunta eh, di mapakali.

"Ven alis na ko, may pupuntahan pa pala ko" paalam ni bea, di ko alam kung ako lang, pero feeling ko may mali.

"Ha? Saan?" tanong ko

"Sa library may kailangan pa kong tapusin" sabi nya at inayos na yung gamit nya, then umalis na.

"wait sama na ko, lance mauna na kami ha, sorry talaga" sabi ko kay lance at umalis na, narinig ko pa yung tanong ni ian na "oh! San pupunta mga yun?"

hinabol ko si bea nakalayo na ito pero di pa naman sobrang layo.

"Bea"

"Beatrice"

"Bea"

Huminto naman ito at lumingon saken, umiiyak.

"Oh, bakit? Tell me what's wrong" sabi ko rito at niyakap ito.

"Ven" iyak labg sya ng iyak. Kwawa naman brstfriend ko.

------------------------------------------

Realizing I Love YouWhere stories live. Discover now