Chapter 6

8 1 0
                                    

This is it! Gabi na ng sabado hinihintay nya lang si bea dahil sabi neto susunduin sya nito para magsabay na sila. Tulad nya pinaghandaan din nito ang gabing yun, nagmall pa sila kaninang umaga para bumili ng dress at heels na susuotin nila, at kung excited sila mas excited ang mommy nya, kasi kasama nila etong nagmall at halos lahat at ng boutique napuntahan na nila hindi pa rin nila makuha ang approval ng mommy nya, at sa pinakalast na pinuntahan nila, dun nila nakita yung dress na eka nga ng mommy nya, meant to be sakanila ni bea.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya dahil dumating na din si bea, who look really stunning, bumagay dito ang green na dress nito, at ang light make-up, ewan nalang kung di pa to mapansin ni ian.

"Wow bestie! Ang ganda ganda mo naman" bati nya rito pagsakay nya ng kotse.

"Ano ka ba! Syempre mas maganda ka" pahumble effect pa ito, buti naman napilit nyang pagsuotin ng ganun si bea.

"Haay naku! Osige! Pareho nalang tayong maganda! I'm so excited" nagsitawanan naman sila ni bea.

Pagdating nila sa restaurant ay sila nalang ang hinihintay, at dalawang upuan nalang ang bakante at magkahiwalay yun. Sana okay lang kay bea.

Umupo ako sa tabi ni lance at ian, pagkaupo namen nakita ko si ian na mukhang pinipigil ang tawa na nakatingin kay vince, kaya tiningnan ko rin si vince at yun nakita ko syang nakasimangot dahil yung babaeng katabi nito nakapulupot sakanya at bigla akong naubo nung nakita ko yung mukha nung babae.

"Sorry!" Sabi ko na pinipigilan na rin ang pagtawa. "So? Ano na kakain na ba tayo?" Basag ko sa katahimikan.

"Ewan ko! Magccr lang ako" padabog na sabi ni vince, mas lalo tuloy napalaki yung ngiti ko, grabe!

"Vince, I'll go with you" sabi naman nung date nya at sinundan nya na si vince, at pagkaalis nila di na namen napigilan yung tawa namen. Lalo na si ian na nakahawak pa sa tiyan nya.

"Gago talagang trey yun! Laughtrip grabe" sabi ni lance sa pagitan ng pagtawa.

"Nakakatawa itsura ni vince! Para syang papatay kanina nung nagpakilala yung babae! Grabe! Laughtrip talaga" sabi ni ian na tawa pa din ng tawa.

Pano ba naman kasi ang binigay ni trey na date kay vince ay mukhang lalake,( wala po sanang maooffend), anlaki ng braso, medyo mataba, hindi kaputian, ang kapal ng make up, parang may pagkakahawig sa artistang si chocolate.

"Gagu! RK daw yun sabi ni trey!" Hirit pa ni ian.

"Puta! Mayaman pala eh! Dapat nagpagawa na sya ng mukha! O ayan na si vince! Tumahimik na kayo" suway ni lance samen.

"Ian amina susi ng kotse mo dali" nagmamadaling sabi ni vince kay ian.

"Bakit?" Tanong ni ian na binibigay yung susi

"Basta, sunod kayo sa bar na lagi nateng pinupuntahan, lagot kayo saken kung di kayo sumunod" sabi neto at tumakbo na palabas, ilang sandali lang dumating na din yung babaeng lalake.

"Hey! Where's vince?" Bungad nito samen.

"Ah kasi nagtae sya kaya umuwe,pinapasabi sorry daw" sabi ko agad dito, dahil baka may kalokohang gawin na naman ang mga to.

"Ahy, ganun ba? Sige, I have to go na, may imimeet pa ko eh, bye guys" paalam nito at nagtuloy tuloy na sa labas.

After umalis nung babae, nagpunta na kami sa bar na sinabi ni vince, kasi naman knowing vince baka magwala to dun dahil sa pagkabadtrip kay trey.

Pagdating namen sa bar marami ng tao, maingay at mausok. Actually first time kong nakarating sa ganitong lugar, dahil ayaw akong payagan ni vince, oh diba? Mas mahigpit pa kesa sa mommy ko.

"Are you okay?" Tanong ko kay bea dahil baka hindi rin ito sanay sa ganitong lugar.

"Yeay! I'm alright, this is not my first time to go in a place like this, you? Are you okay? I know it's your first time" sabi neto na hinawakan din ako sa kamay.

"Yeah I'm fine" nakalimutan ko nga pala, tumira ito sa states ng mga 5 years, dun ito naghighschool at bumalik lang dito nung college, buti nga bumalik din yung friendship namen nung elementary eh.

Nagpunta kami sa isang private room na sabi ni ian ay pang vip daw, nakita namen dun si vince na umiinom, haaay! Parang tanga talaga to!

"Yow bro! Niligaw na namen yung date mo, pwede ka ng magenjoy" sabi ni ian.

"Puta! Naaamoy ko pa yung matapang na pabango nun sa braso ko! Inis! Gagong trey yun! Humanda sakin yun" sabay inom ulit ng isa pang baso, at napadako yung tingin nya saken. "Puta! Bat nyo dinala si patty dito? Di ko yan pinapapunta sa bar eh" sinamaan pa neto ng tingin si lance at ian.

"Vince! Okay lang ako! 20 na po ako! Hindi na ko bawal sa mga ganitong lugar" sabi ko dito at tinabihan pa para di na magalit.

"Pare matanda na si ven, wag mo ng binebaby!" Pang aasar pa dito ni ian. "Labas lang kami, tara bea sayaw tayo" yaya ni ian kay bea at pumayag naman ang huli.

"Wag kang aalis sa tabi ko patricia ha" babala ni vince, habang umiinom pa rin ng alak na hawak hawak nya.

"Pare sa pagkakakaalam ko date namen to ni patty eh, baka pwedeng sakin muna sya ngayong gabi?" Sabi naman ni lance sa seryosong mukha.

" hindi sanay sa mataong lugar yan si patty! Tsaka sigurado ka bang mababantayan mo sya?" Mayabang naman na tanong ni vince kay lance.

"I can take care of my girl" sabi ni lance at hinatak ako patayo pero hinawakan naman ni vince yung isang kamay ko kaya ngayon mukha silang nag tuthug of war ako yung tali.

"She's not your girl" madiin namang sabi ni vince na nakatayo na ngayon.

"Wait lang nga! Sige na lance, okay lang ako dito, babawi nalang ako next time" sabi ko kay lance.

"Wala ng next time" padabog na inalis ni vince yung kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Sige na lance, okay lang ako rito, ayoko rin naman sa labas eh." Sabi ko dito at umupo na sa tabi ni vince.

"Bat di ka sumama dun?" Sabi ni vince nung tumabi ako sakanya.

"Wala, kawawa ka kasi dito pag iiwan kita eh" sabi ko dito, na kunware natatawa pa.

Kaya no choice ako, buong gabi sa tabi lang ako ni miguel, binabantayan sya.

Realizing I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon