Chapter Three

30.5K 716 96
                                    

Song: Talk- Why Don't We

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Talk- Why Don't We

Hope

Finals week came and we all became so busy. Hindi na kami nakakapagsabay pa kumain ng lunch nila Jeya at Troy dahil na rin sa sobrang rami naming ginagawa.

I did not meet up with any of our friends for the whole week dahil sa sobrang pagrereview! I badly want to graduate with a latin honor. 'Yun na ang pinaka magandang kapalit na maibibigay ko sa mga magulang ko pagkatapos nilang magsakripisyo sa trabaho para lang maibigay sa akin ang lahat ng gusto ko. At syempre para na rin makapag-aral ako sa isang napakagandang eskwelahan.

I stayed in my room the whole time. Minsan pinapadala ko nalang kay Manang ang pagkain ko sa kwarto. I don't even have the time to get up from my seat. I'm afraid that once I stood up, mawawala lahat ng nireview ko sa isip ko.

Yes, I'm a grade conscious. And it's weird to have a mentality like this! Ilang beses ko nang sinubukan na makuntento sa isa o dalawang mali, pero hindi ko magawa! I always want to strive for perfection. Pero hindi naman mali iyon di ba?

I was busy reciting some terms in my head when I heard a knock on my door. Medyo napabalikwas ako dahil sa pagkabigla.

"Kelsey?" Manang gently called outside. She knocked again.

"Manang, pasok po!" sigaw ko at tsaka binalik muli ang mga mata sa nirereview.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon at mas pinagtuunan parin ng pansin ang mga papel sa harap ko.

"Sabi ng Mommy mo, dalhan raw kita ng merienda rito sa kwarto mo. Pinapatanong niya kung tapos ka na daw bang mag-review." Ani Manang. Doon lang ako napalingon muli sakanya.

"Ahh... hindi pa po, e. Marami pa po akong kailangang aralin kaya baka matagalan pa po ako dito." Paliwanag ko.

"Ganon ba? Sige, sabihin ko kay Mommy mo. Nag-aalala kasi at hindi mapakali dahil hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Kanina pa tawag ng tawag."

"Ay! Ganoon po ba? Pasyensya na po. Ang dami ko lang po talagang inaaral kaya hindi ko na rin po nacheck kung tumatawag po siya. Pakisabi nalang po na ayos lang ako dito." I smiled at her. "Salamat po sa merienda, Manang."

Bahagyang tumawa ni Manang at tsaka hinawakan ako sa balikat. "Napakasipag mong mag-aral, anak. Sigurado akong sobrang proud sa'yo ng mga magulang mo dahil hindi nasasayang iyong sakripisyo nila para sa'yo."

Hindi ko naiwasang mapangiti nang dahil sa sinabi niyang iyon. That's what I'm trying to do, actually. I'm working this hard for my parents. They're the reason why I'm at school. Sila ang nagbibigay sa akin ng mga kailangan ko sa pang-araw araw. They also serve as my inspiration.

Ang natatangging kapalit na maibibigay ko sakanila ay ang pagbubuti ko sa pag-aaral ko.

Nagpaalam rin agad si Manang nang matapos kaming mag-usap ng sandali. I continued studying. Ala una na ng madaling araw nang matapos ako sa pag-aaral. Thank God my first exam starts at ten! Dahil kung seven o'clock iyon, baka bangag ako at hindi pa makapagsagot ng maayos sa exam.

Beautifully Unfinished (Donovan Series #4)Where stories live. Discover now