Chapter Twenty-Three

27.9K 698 323
                                    

Song: Tayong Dalawa- Julie Anne San Jose

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Tayong Dalawa- Julie Anne San Jose

Lies

"May tao ba sa office niya?" tanong ko sa sekretarya ni Benjamin na si Regina. Medyo nagulat naman siya nang makita ako.

"A-Ah... opo, Mrs. Donovan." aniya.

I pursed my lips because I didn't know what to feel when she addressed me with my new surname. I don't think I will ever get used to being called a Donovan, despite of being married to him for a year now.

"Kanina pa?"

"Medyo po."

Well, I already expected that. Sa isang taon ng pagsasama namin, ilang beses ko nang nakikita na may pumapasok na iba't ibang babae sa opisina niya. Well, some of it were guys, pero madalang ko lang makita 'yon. O baka naman, natyetyempohan ko lang talaga na puro babae iyong mga pumapasok.

Some girls were modest looking, mukhang maganda ang propesyon. Habang ang iba naman ay mukhang kakilala niya lang sa kung saan.

Noong unang beses na may nakita akong parang modelo na babae na papunta sa office niya, ay hindi na iyon ang pang-huli. That continued for a year and I said nothing.

Bakit nga naman ba ako mag-rereact, gayong sa papel lang naman kami kasal? Sa puso't-isip, hindi. Kaya talo ako.

"A-Ah..." 'yun nalang ang natatanggi kong sinabi. I nod my head.

I just finished off reading some papers that needs to be signed by him. Bumitaw na si Daddy sa pwesto niya noong nakaraang buwan kaya si Benjamin na itong tumatayong Chairman ng dalawang kompanya. My father lowered his position to become a Vice President though. Pero mas pinapaubaya niya ang trabaho kay Benjamin.

I can see how Benjamin is still trying to cope up with it. Kitang-kita ko kung gaano siya kabusy kasi minsan nalang siya makauwi. Kung uuwi man, gabing-gabi na.

Noon ko lang rin nalaman na hindi pala siya pumapasok tuwing Sunday. Para bang iyon na 'yung araw ng pahinga niya. Habang ako, kahit Sunday, pumapasok parin.

Sa isang taon rin ng pagsasama namin ay wala paring nagbabago. We rarely talk. Kung mag-uusap man, saglit lang. O di kaya, mag-uusap lang dahil importante. It was such a boring marriage. Obviously arranged.

I was about to return to my office when Regina spoke.

"Pero pupwede naman po kayong pumasok. Ang sabi niya po sa akin kung ikaw naman po ang may kailangan sakanya, hindi ko na daw po kailangang magpaalam."

Bumuka naman ang bibig ko sa gulat nang dahil doon. I wasn't expecting that! Hindi ko alam na may ganong policy pala si Benjamin. I thought everybody who needs something from him needs his approval first before entering.

This is my first time in one year to attempt and enter his office. Noong si Daddy pa naman ang chairman ay sa office niya ako madalas. Pero ngayong napalitan na siya, tingin ko mas dadalas na ako dito kay Benjamin.

Beautifully Unfinished (Donovan Series #4)Where stories live. Discover now