Chapter Twelve

24.9K 665 84
                                    

Song: Barcelona- Ed Sheeran

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Barcelona- Ed Sheeran

Map

I loaded my last baggage inside the car. Hinarap ko naman muli sila Mommy at Daddy na pinapanood lang ako.

"So..." I started. Ngumiti silang dalawa sa akin.

My father asked someone to do all the work for me. From booking my ticket to looking for a hotel room, silang lahat ang nagasikaso. I insisted at first but then my parents keeps on initiating. Kaya sa huli ay wala nalang rin akong nagawa.

"I'll see you both again after a month, I guess?" I pursed my lips. Ngumisi si Daddy sa akin.

"Enjoy your stay in Barcelona, Kels. Don't worry about us so much here. Maayos lang kami rito." Aniya.

"I will." Nginitian ko siya.

"Have fun, sweetie. I know you've been looking forward to this day. Kaya you should enjoy as much as you can." Sabi naman ni Mommy. I nod my head.

Before I get inside the car ay niyakap ko muna sila pareho. Gusto pa nga nila noong una ay ihatid pa ako hanggang sa airport. Pero alanganin kasi sa oras. They have a meeting to attend to. Mas importante iyon.

"Are you sure you don't want us to come?" my Mommy asked.

"Hindi na, Mommy. It's almost time for work for the both of you. May meeting pa po kayo hindi ba? Kaya mas pagtuunan niyo nalang po ng pansin iyon." my mother smiled sadly at me. Pero sa huli ay napatango nalang siya.

I waved at them for the last time before I entered the car. I signaled Manong Roly that we can go already. Nang umandar naman ang sasakyan ay tsaka sila kumaway sa akin. Nawala lang ang tingin ko sakanila nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan.

Manong Roly helped me unload my bags when we reached the airport. Nagpasalamat ako sakanya at tsaka dumiretso na sa departure area.

Nasa immigration area na ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jeya. Tumigil ako sa ginagawa at tsaka sinagot ang tawag niya.

Hindi pa ako nakakapag hello ay nagsalita na agad siya.

"Why didn't you tell us you were leaving for Barcelona?!" salubong niya sa akin sa kabilang linya.

"Hello, Jeya." Sabi ko.

"Tss, Kelsey! Ganyan ka na ba ngayon ha? Nagtatago ka na ng sikreto sa amin?!" I can hear disappointment in her voice. I sighed heavily.

"Nakalimutan ko lang sabihin since ang dami mo kasing kwento ng araw na 'yon!" reklamo ko.

"Sana siningit mo sa usapan! Kung alam lang sana namin edi sana nakipagkita pa ulit kami sa'yo!"

"Hindi na naman importante 'yon. Babalik rin naman agad ako."

I heard her sigh heavily on the other line. "How long will you stay there?"

Beautifully Unfinished (Donovan Series #4)Where stories live. Discover now