Chapter Thirty-Seven

35.9K 759 224
                                    

Song: Beautiful- Crush 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Beautiful- Crush 

Family

Hindi ko magawang alisin ang ngiti sa aking labi. It was good to finally see him again up close. Halata sa itsura niya na hindi niya alam ang susunod na gagawin. He was busy staring at me like he can't believe that I'm here again—finally in front of him again.

I hope he didn't despise me for pushing him away a lot of times. I hope he forgives me for that.

"Uhm," I started after a moment of silence. "Can I help?"

Napakurap siya ng ilang beses nang dahil sa sinabi ko. Hinarap niya ang kanyang niluluto ng bahagya at tsaka binaling muli ang tingin sa akin.

"O-Oh! You should probably just sit there. Malapit nang matapos 'to." aniya.

Tumango ako at nginitian siyang muli. Nagtungo ako sa may dining table at tsaka umupo sa sariling pwesto. I turn to Benjamin again whose still looking at me. Nang magkatinginan kami ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Humarap siya sa kanyang niluluto at tsaka tinuloy ang kanyang ginagawa. I heard him sigh heavily.

I waited for another minute before Benjamin placed the food on top of the table. Dahan-dahan siyang naupo sa kabisera. I waited for him to move so we can start now pero nagmukha siyang estatwa dahil hinihintay niya rin akong gumalaw.

"Shall we eat now?" I said.

Why is he so awkward around me? Para namang hindi kami magkakilala!

"O-Okay!"

Kinuha niya ang pinggan na pinaglalagyan ng kanin at tsaka ako sinalinan sa aking plato. He poured some and I gladly let him do that. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon.

At least hindi parin siya nagbabago at ginagawa niya parin ang nakasanayan niya.

Tumingin siya sa akin upang itanong kung titigil na ba siya sa paglalagay o hindi. I opened my mouth to say something but I stopped when he spoke.

"You've gotten healthier. It's good to see you like this." Aniya nang mapuna ang itsura ko.

I smiled a little. "Really? Thank you!"

Binaba niya ang plato na pinaglalagyan ng kanin at tsaka ako nilagyan ng ulam na niluto niya. We were insanely quiet so I decided to start a conversation.

"Why are you up early though? You usually wake up at nine when you don't have work." I said.

Bahagya siyang lumingon sa akin habang nilalagyan niya ng kanin ang kanyang plato at tsaka siya ngumisi.

"Naaalala mo pa 'yun?"

Umangat ang kilay ko. Bakit? Sa tingin niya ba ganun-ganun ko nalang kakalimutan ang lahat?

"Why do you look surprised? It's not like I didn't live here with you for years! Do you... expect me to just forget everything?"

Tumitig siya ng sandali sa akin bago siya ngumisi muli. At least there's still something that didn't change about him. And that is... his fondness of smirking so much.

Beautifully Unfinished (Donovan Series #4)Where stories live. Discover now