Chapter Twenty-Two

26.6K 651 151
                                    

Song: Oks Lang- Mariah Dela Cruz (cover)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Oks Lang- Mariah Dela Cruz (cover)

Reason

I woke up early the next day. Balak ko sanang mag-handa ng umagahan dahil sa tingin ko maagang umaalis iyon si Benjamin para sa trabaho.

Kahit ba hindi naman totoo 'tong kasal namin, hindi ko naman hahayaang umalis iyon ng gutom. At tsaka papasok rin naman ako sa trabaho kaya hindi lang siya ang makikinabang sa pag-kain na lulutuin ko ngayon.

Bukas na ipapaalam nila Daddy ang plano nilang pagmemerge ng kompanya nila ni Tito Francisco. May mga speculations na rin na kumakalat na posibleng mag-merge kami ng kompanya gayong kasal na kami ni Benjamin.

'Yon naman talaga ang plano nila Daddy. They want the wedding to happen first before they make their much awaited plan to happen. Ayaw kasi nilang isipin ng iba na nag-pakasal lang kami dahil sa merging of companies na ito.

Nagtataka nga ako kung bakit ayaw nilang ipaalam iyon gayong iyon naman ang totoo?

Five-thirty na ng lumabas ako ng kwarto. Medyo madilim pa ang paligid kaya hindi ko muna pinatay ang mga ilaw. Sarado pa ang kwarto ni Benjamin kaya sa tingin ko ay mahimbing pa ang tulog noon.

Benjamin claimed the room that is adjacent to the other room. I think he's going to make that room his office. Hindi ko alam dahil hindi naman ako nag-libot rito sa buong bahay noong oras na sinama niya akong makipagnegotiate sa broker. Ni hindi ko nga magawang icheck isa-isa 'yung mga kwarto dito, e.

Bumaba ako at agad na dumiretso sa kusina. I opened the refrigerator to see that it's full of foods! Parang pang isang taon na ang supply ng pagkain namin dito. Sa sobrang dami ay hindi pa ako makapagdesisyon kung ano ba ang magandang ihain ngayon.

I decided to go for a simple breakfast. I cooked some fried rice, hotdogs, eggs, and bacon. I don't know how Benjamin wants his coffee. I don't know if he's a barako type of person or a cappuccino type of person like me.

Pero dahil cappuccino ang gusto ko, ganoon ang ginawa ko. Siya na ang mag-adjust!

Inihain ko ang lahat ng niluto ko sa lamesa. Six-thirty na ng matapos ako. Gising na kaya ang isang 'yon? Ayoko namang akyatin siya sa kwarto niya dahil baka kung ano pa ang makita ko doon. Maaamoy niya naman siguro na may pagkain na nakahain kaya siguro bahala na siya sa buhay niya.

I won't wait for him to wake up dahil may trabaho rin ako at kailangan ko pang mag-ayos! Pupunta pa ako sa bahay mamaya para kumuha ng iba pang gamit. I have so much things to do kaya kung hihintayin ko siya, maaubos lang ang oras ko.

Some of the gifts we received from our wedding are still untouched. Nandoon lang mga iyon sa living room at wala ni isa sa amin ang gumagalaw noon.

Ngumuso ako. Siguro ako nalang rin ang magbubukas ng mga iyon. Tutal... mukhang ako lang rin naman ang gagawa ng gawaing bahay dito, e. I didn't want a maid because I want Benjamin to know how it feels to be independent. Hindi 'yung lagi nalang nakaasa sa mga katulong. I wanted him to learn how to move on his own inside the house. Hindi niya ako katulong kaya matuto siyang gumalaw dito.

Beautifully Unfinished (Donovan Series #4)Where stories live. Discover now