Ang Unang Pagkikita

26 1 0
                                    


KINAGABIHAN<<<

Habang nagbabasa ng libro si Angela ay may narinig syang alulong..

Kaya naman agad syang napatingin sa bintana ng kanyang kwarto. Saka' tumayo at binuksan ang kanyang kwarto. Tulog na ang lahat pero tanging sya lang ang hindi pa dinadalaw ng antok..

Kaya naman mahinahon syang naglakad palabas ng bahay para hindi sya makalikha ng ingay para hindi magising ang mga tao sa bahay.

Pagkalabas nya ng bahay, ay dinama nya ang sumalubong na hangin na biglang dumapo sa katawan nya.. Kaya naman nilanghap nya ang sariwang hangin at ngumiti..

"Nakakagaan nga sa pakiramdam ang sariwang hanging dito..".  Sabi nito sa sarili.

Hanggang sa narinig nanaman nya ang alulong. Kaya naman naglakad sya at hinanap kung saan iyon nanggaling. At muli nanaman iyong narinig. Hanggang sa makarating sya sa likod ng bahay ng lolo nya.

At doon nakita nya na may di kalakihang budega. At yung pintuan ay may mahabang kahoy na nakaharang na nagsisilbing lock nito.

Lumapit sya dito at may naririnig syang kaluskus mula sa loob. Kaya naman unti-unti nyang hinawakan ang kahoy at unti-unting hinila ito hanggang sa tuluyan na nyang matanggal sa pagkakaharang at inilagay sa tabi. Saka' dahan-dahang pumasok sa loob nito.

Madilim at mabahong amoy agad ang sumalubong sakanya.. Pero nagpatuloy parin sya sa paglalakad, nang matigil sya dahil meron pa pala itong isang pintuan sa loob. Kaya naman nagtaka sya kung bakit may pintuan pa sa loob ng budega. Kaya naman itinapat nya ang tenga sa pintuan at pinakinggan kung dito ba ang naririnig nyang ingay. Hanggang sa may kumaluskos nga.. At walang duda, dito nga nagmumula ang ingay na naririnig nya..

Kaya naman tinulak nya ng buong pwersa ang pintuan na walang lock pero sobrang bigat na double ata ang pagkakagawa sa pintuan nito.

At pagkabukas nito ay mas lalo pang umalingasaw ang mabahong amoy na kanina nya pang naamoy. Agad bumaligtad ang sikmura nya at napasuka sa tindi ng amoy na naaamoy nya.. At agad tinakpan ang ilong at pilit na inaaninag kung ano ba ang kanyang naamoy.

May nakikita syang anino na naka-upo na nakaharap sakanya,pero dahil madilim hindi nya malaman kung tao ba ito o hayop. Lalapitan na nya sana pero bigla itong gumalaw at tumakbo palabas. Dahil sa bilis nito ay natumba pa sya sa pagdali sakanya ng bagay na iyon.

At dahil doon nagulat sya at napasigaw. Kaya naman napatakbo rin sya sa takot.

Nang nasa labas na sya ay agad napalabas din ang mga kasamahan nya sa bahay.

"Anak! Bakit ka sumisigaw?... At saka' anong ginagawa mo dito sa labas?! ...".   Natatarantang sabi ng ina nito.

"Anak! Ano bang ginagawa mo dito sa labas ng ganitong oras?!...".   Tanong pa ng ama.

"Ate?..."

"Hija! Okay ka lang ba ha?... Ano bang nangyari?...".   Sunod-sunod din nitong tanong.

Ngunit di makapagsalita ng maayos si Angela dahil sa kaba na nadarama..

"Oh' sya.. Pumasok na tayo sa loob.."   Sabi ng ama nito. Habang inaalalayan sya..

My WereWolf ManWhere stories live. Discover now