KINABUKASAN

15 1 0
                                    

Maagang umalis ang Ama at lolo nila upang makapag-ani ng maaga..

At Kagaya parin kahapon ay agad nilantakan ni Ardolf ang mga pagkain sa lamesa. Kaya naman ka-unti lang ang nakain ng mga ito.
At Nang matapos na sila kumain ng tanghalian ay...

"Angela anak! Ikaw muna ang bahala kay Ardolf okay?!... Mamalengke lang muna kami ng kapatid mong si jenny..".    Sabi ng ina nila habang kinukuha ang basket na lagayan ng pampama-lengke nila sa kusina..

"Ha?? Iiwan nyo akong mag-isa kasama ang ampon nyo??...".   Reklamong sabi ni Angela.

"Oo! At Ikaw lang ang pwedeng magbantay sakanya sa ngayon, Kaya ikaw muna ang bahala sakanya okay?... Aalis na kami..".   Sagot ng INA nila bago pa man ito tuluyang lumabas ng bahay.

"Bye! Ate!... Kuya! May pakwan dyan sa ibabaw ng lamesa, kainin mo iyan ha?!..".    Paalam naman ni jenny. Sabay turo dito kung saan yung pakwan, saka' tumakbo papunta sa ina nila na nagaantay sakanya sa labas..

"Haist! Kainis!... Ginawa pa akong tagabantay dito!".   Inis na sabi nito sabay tingin sa binata na naka-upo at nagkukutkot sa dingding gamit ang kuko nito.    

Miya-miya pa ay biglang dahan-dahan na lumalapit ang binata sakanya..

"Te-Teka!... Ba-Bakit ka lumalapit saakin?...".   Nabubulol na sabi ni Angela ng mapansin na lumalapit sakanya ang binata."'Wag kang lalapit! 'Wag kang lalapit!".   Ngsisigaw nito. Ngunit patuloy parin sa paglapit ng binata. Hanggang sa may hinawakan ito..
"Wag ka sabing lalapit ehh!... Aaaaaahhhhhhhhh........" Sigaw nito. Hanggang sa muntikan na syang matumba, na agad namang hinawakan sya sa kanyang bewang ng binata na dahilan upang hindi sya tuluyang bumagsak sa sahig. Habang kagat-kagat ng binata ang nakuhang tatlong slice ng Pakwan sa lamesa sa likod ni Angela.

Kaya naman nagulat si Angela. At napahiya dahil akala nya ay may gagawing masama sakanya ito.

Samantala, bumalik naman sa kina-uupuan ang binata kung saan yung dingding na kinukutkot nya kanina. Na-upo sya doon at saka nilamon ang buong tatlong slice ng pakwan.

Dahil doon ay na-tawa si Angela. Kaya naman inalok nya ito ulit ng mga natirang pakwan, Na agad namang kinuha nito at sunod-sunod na nilamon ang mga pakwan.
Nakangiti namang pinagmasdan ni Angela ito.

Hapon na ng maka-uwi ang mag-ina..

"Nandito na kami!!!!!!!...".   Masayang sigaw ni Jenny.

"Angela anak! Pakihugasan muna ang mga ito, para lulutuin ko nalang iyan pagkatapos kong magpalit ng damit..".    Utos ng INA nila. Habang inilalapag ang hawak na basket na may lamang mga gulay at manok sa kusina.

"Okay po!...".    Sagot naman nito.

"Ma! Maglalaro muna kami ng mga kaibigan ko sa labas kasama si kuya Ardolf ha?!...".    Paalam ni Jenny sa ina.

"Sige! Pero 'wag kayong lalayo ahh..".    Sagot naman ng ina.

"Okay po!... 'Tara kuya labas tayo!...".    Sagot nito. Sabay tulak sa kuya nya palabas ng bahay.

At nagtakbuhan na nga sila sa malawak na damuhan..

"Oh' Angela anak! Ako na jan! ... Lumabas ka na doon, kasama ang mga kapatid mo..".   Sabi ng ina nito.

Kaya naman lumabas sya at pinagmasdan ang mga ito magtakbuhan..

Nang may bigla syang naisip..

Pumasok ulit sya sa loob ng bahay at kumuha ng dalawang pirasong nilagang Ube. Saka' lumabas ulit at lumapit kay Ardolf na pilit na hinuhuli ang isang butterfly na paikot-ikot sa kanya. Habang si jenny at ang mga kalaro nito ay nagtatakbuhan.

"Psst!... Psst!...".   Tawag nito sa binata.

Ngunit kahit lingunin man lang sya nito ay hindi ito ginawa.

Tinawag nya ulit ito. Na parang sa aso.. Ngunit hindi parin sya nililingunan nito... At patuloy parin sa paghuhuli sa paru-parong umiikot sa kanya.

"Haist! Paano ba ito tatawagin?!...".   Inis na bulong sa sarili.

"Kuya Ardolf! Tara!".    Sigaw naman ni jenny mula sa malayo.

Agad naman lumingon ito kay jenny at saka' tumakbo palapit dito.

"Tsk! Oo nga pala! Nakalimutan kong may pangalan na sya..".         (-____-)> bulong nito sa sarili. Sabay kamot sa ulo.

At naiwan nanaman ulit si Ardolf.  Kaya naman muli nya itong nilapitan at biglang na-tawa pa sya dahil nasa bibig na nito ang kanina pang di mahuli-huli na butterfly.

"Hahahaha... Ardolf! Akin na iyan.. Gutom ka na siguro.. Ano? ...".   Mahinahon nitong sabi. Saka' unti-unting kinukuha ang kawawang paru-paro sa bibig nito.

Sumunod naman ito sakanya..

"Oh' eto'... Ooopps.. Stay!".    Sabi nito sabay labas ng nilagang ube sa bulsa nya.. At nang makita nyang aagawin ito sakanya ay pinahinto nya ito na agad namang umupo ang binata na parang aso..

"Okay.. Oh' eto'...".    Sabi nito sabay bigay nito ng nilagang ube. Nagulat pa ito ng biglang kunin sakanya ang ube.

Agad namang nilamon nito ang ube at agad ding naubos..

"Okay.. Kaya ko ito! One more...".    Bulong sa sarili habang hawak-hawak ang last na ubeng na sa bulsa..

************************************************************************

A/N

   Guys.. What do you think? Matatagumpayan nya kaya ang mission nya???^^

Please..

      Vote/ Comment / Follow

Wattpad :

      @Yzhumie





My WereWolf ManWhere stories live. Discover now