KINABUKASAN

17 1 0
                                    

"Halika Ardolf! Dito tayo sa labas". Sabi ni Angela. Habang may hawak na gunting at suklay.

"Saan kayo pupunta apo? ...". Tanong ng lolo nito.

"Dito po sa labas.. Gugupitan ko lang po si Ardolf..". Sagot nito.

"Tamang-tama iyan anak! Araw ng linggo ngayon magsisimba tayong lahat. Kailangan maging maayos!...". Sang-ayon naman ng kanilang ama.

"Oh' Jenny Anak! Maligo ka na.. Para pagkatapos mo ay ang ate at kuya mo naman ang sunod..". Sabi nito sa anak habang naghahanda ng pampaligo kay Ardolf.


>>> SIMBAHAN

Habang nagmimisa si Father ay Palingon-lingon naman si Ardolf sa paligid. At maya-maya pa ay nang nagkantahan na ay nakipagsabayan din sya, Yun nga lang alulong ng aso ang ginawa nya na syang umalingawngaw sa buong simbahan. Kaya naman napahinto ang lahat at napatingin dito.

Samut-saring expression ang makikita sa mga mukha ng mga taong nakarinig nito. Maging ang Pamilya ni Angela ay napatingin dito at nagulat sa ginawa nito.

Pagkatapos ng Misa ay kanya-kanya nang labasan ang mga nagsimba dito. At kanya-kanya ding bulong-bulungan ang mga ito nung nangyari kanina..

"Ate! Bakit ganun? Bakit umalulong si kuya kanina na parang aso?...".   Tanong ni jenny dito.

Napatingin lang si Angela sa mga magulang nila na tila wala ring idea kung bakit ganun?...

Nagtataka man sila at nagulat sa ginawa ng binata sa simbahan. Isinawalang bahala nalang nila ito.

"Anak, kasi di ba' di pa marunong magsalita si kuya?.. Kaya siguro, ganun yung nagawa nya kanina..".   Sagot naman ng Ina nila.

Tumango-tango naman si Jenny.

Samantala, napaisip naman ang kanilang lolo.

"Alulong ng aso?... Bakit kopyang-kopya nya ang alulong ng mga ito??... (At biglang naalala nito ang nilalang na matagal na nyang itinatago sa budega, na nakawala) Hindi! Impossible!...".   Umiiling na bulong nitong sabi sa sarili.

"Alam nyo mas mabuti pang kumain nalang tayo ng ice cream!...".   Masayang sabi ng Ina nila

"Yeheyy! Ice cream!".   Tuwang-tuwang sabi ni Jenny.

At nakabili na nga sila.. Umupo sila sa Park sa ilalim ng puno.

My WereWolf ManWhere stories live. Discover now