STRANGER

19 1 0
                                    


Kinabukasan araw ng Lunes maaga nanamang umalis ang iba.. Ang nanay nila na nakahanap na ng pwesto sa palengke upang maitinda ng mga naaning mga gulay ng kanyang asawa at Ama at si Jenny naman ay papasok sa skwelahan.

Kung kaya't silang dalawa nanaman ni Ardolf ang naiwan sa bahay.

Nagbuntong hininga muna si Angela bago nagsalita..

"Hayyy... Tayong dalawa nanaman ang naiwan..". Sabi nito sabay kagat sa hawak na mais.

Bigla namang lumapit sakanya si Ardolf na kaninang nag-uukit sa bato gamit ang stick na napulot nya, at umupo ito sa harap nya na parang aso.

"Gusto mo? ...". Alok naman ni Angela dito.

Agad naman itong kinuha ng binata at saka pinagkakagat ang mais.

Maya-maya pa ay may bilang kumatok sa pintuan nila.

Bigla rin namang nag-react si Ardolf na parang aso, nang makaamoy sya ng di familiar na Amoy..

At pagbukas ni Angela ng pinto ay agad namang bumungad sa kanila ang nakangisi at di familiar na binatang lalaki..

"Hi! Magandang araw saiyo!...". Nakangisi nitong sabi.

"Sino ka?!... Anong kailangan mo?!..". Mataray na tanong naman ni Angela sa binatang kaharap.

"Hindi mo man lang ba ako papasukin?...". Sabi nito saka' ulit ngumisi.

Agad naman nagalit si Ardolf na parang aso habang nanlilisik ang mga mata nito sa taong kaharap ni Angela.

"At bakit naman kita papasukin? Eh' hindi naman kita kilala!!!!...". Pagtataray ulit nito. Sabay harang ng isa nyang kamay sa pinto pang harang dito.

"Ohhh...". Biglang sabi nito nang makita si Ardolf. "So, totoo nga talaga ang mga balitang kumakalat na, may isang tao rito na naninirahan na kung kumilos ay parang aso!...". Sabi nito habang nakangising nakatingin Kay Ardolf.

Habang si Ardolf naman ay di parin tumitigil sa pag -GRRR nito.

"At balita ko rin na hindi nyo ito kaano-ano.. Nakita nyo lang ito kung saan at inampon.. Sabihin mo nga saakin, bakit nyo naisipang mag-ampon ng ganitong nilalang na magiging pasanan nyo lang, kung hindi nyo naman rin ito mapapakinabangan??...". Tuloy-tuloy na sabi nito.

"Ano bang pakaelam mo?!!!!... At saka' pwede ba! Umalis ka na!!!!". Mataray ulit nitong sabi. Sabay isasarado na sana nya ito ng pintuan nang mabilis harangan ito ng lalaki gamit ang paa.

My WereWolf ManWhere stories live. Discover now