Savior

13 1 0
                                    

Tulala at nagulat si Angela sa nakita at maaninag kung sino ang kakaibang nilalang na ito..

.

.

.

Nag-iba man ang itsura ng binata, ngunit di ito hadlang para di ito makilala ng dalaga..

"A-Ardolf???...". Nanginginig na sabi ni Angela dito. Sabay lingon naman sa lalaking nawalan ng malay dahil sa lakas nang pagkakahagis dito sa lupa.

Unti-unti namang bumabalik sa dati ang itsura ng katawan nito. Hanggang sa ganap na nga itong itsurang tao.

Nagising naman ang Pamilya ni Angela.

"Ano bang ingay ang naririnig namin dito sa labas? ...". Sabi ng INA nila. Habang binubuksan ang pintuan.

"Hija! Angela, ano bang ginagawa nyo dito sa labas. Aba't mag-hahating gabi na ahh..". Sabi naman ng kanilang lolo.

"Oo nga anak! Ano ba ang ginagawa nyo dito sa labas? ...". Sang-ayon naman ng Ama nila.

"Ha-Ha?... Ano po kasi...". Mahina at naputol na sabi ni Angela nang magsalita si jenny.

"Oh' may tao!". Gulat nitong sabi ng may makitang katawan sa di kalayuan sa kanila.

Kaya naman agad napatingin ang mga ito sa kung saan nakatingin si Jenny.

"Oo nga! Angela, anong nangyayari dito??". Biglang tanong naman ng ina nito.

"Bakit may lalaking nakahandusay sa harapan ng bahay natin? ...". Tanong din naman ng Ama nito. Habang nakaturo sa lalaking nakahandusay.

Agad nag-isip si Angela nang sasabihin. Dahil hindi pwedeng matuklasan ng Pamilya nya ang tunay na katauhan ni Ardolf na nakita nya kanina. Dahil kung hindi, maaring malaman ito ng mga taong nakapaligid sakanila. At kuyugin si Ardolf! At iyon ay ang ayaw nyang mangyari... Na ang nilalang na nagligtas sakanya ay mapapahamak ng dahil sakanya..

"Wag po kayong mag alala.. Buhay pa po iyan!... Ginugulo po kasi ako ng taong iyan! Tapos sinaktan pa ako.. Mabuti nalang nakita ako ni Ardolf dito sa labas. At nang makita nyang sinasaktan ako ng taong iyan, ay agad nya akong tinulungang makalaya sa masamang tao na iyan!...". Kinakabahang sabi ni Angela sa mga ito.

"Ganun ba? Eh' masamang tao naman pala iyan ehh!!!...". Sabi ng Ama nila.

My WereWolf ManWhere stories live. Discover now