THE END

14 1 0
                                    

Pagkabuhat ni Ardolf sa hinang-hina nang si Angela, dahil sa sakit nitong hika ay biglang....

"Ibaba mo sya!!!"   Sabi ng mga pulis na nakalibot na pala sa paligid nito. Na may mga hawak pang mga baril na nakatutok dito.

Bigla namang nabuhayan ang tatlong lalaki na kanina pa nakatulala kay ardolf. Kabilang na dito yung boss nila na kanina'y nakaluhod, na nagdali-daling tumayo ng marinig ang mga pulis. Saka mabilis na tumakbo papunta sa likod ng mga pulis, agad namang sumunod sakanya yung dalawa nitong tauhan.

"Nakita nyo na sir!!!! Sabi ko sainyo nagsasabi ako ng totoo ehh.. Na halimaw ang lalaking iyan na inampon nila!!! Papayag ba kayong may halimaw na pagala-gala sa paligid natin??!!!"    Kinakabahang sabi nito habang dinuduro si Ardolf.

"Sa buong buhay ko.. Ngayon lang ako nakakita ng kakaibang nilalang na katulad nyan.."    Tila di makapaniwalang sabi nito habang pinagmamasdan ang halimaw na, na sa harap nila..


Tinapik naman ng mahina ni Angela si Ardolf habang buhat-buhat pa sya nito.


"Ibaba mo na ako.. Ayoko na lumalala pa ang gulo at higit sa lahat ayoko na lalo ka pang mapahamak.. Sige na ibaba mo na ako.. Okay na ako.."    Mahinang sabi ni Angela.

At ibinababa nga ni Ardolf ng maayos si Angela sa lupa.  Na syang namang dating ng pamilya ni Angela.

"Anong nangyayari dito? bakit ang daming tao at  pulis?.."   Naguguluhang tanong ng ina ni Angela. Samantalang yung Ama, lolo at jenny naman ay natulala sa malaking nilalang na nasa harapan nila.

Tumayo naman ng dahan-dahan. Agad naman itong tinulungang tumayo ng kanyang ina at kapatid.


"Ma, kukunin nila si Ardold at ikukulong.. Please Ma! 'wag ka pong pumayag!!!.. huhuhuhu"   Nagmamakaawang iyak na sabi ni Angela sabay yakap sa ina na naguguluhan sa sinabi nito.



"Ha? Anong pinagsasabi mo? asan si Ardolf? at saka anong nangyari sa damit mo?? a-at sinong halimaw ang na sa harap natin? bakit sya nandito??.."   Sunod-sunod na tanong ng ina nito na may halong pangamba habang lumilingon na tila hinahanap ang kanyang ampon.

"Ma, Ang Nilalang na sa harap natin ay si Ardolf.. Niligtas nya ako mula sa mga taong iyan, na gusto akong saktan."   Bulol-bulol na sabi ni Angela. habang nakapit ang isa nyang kamay sa blazer ng kanyang ina

"HA?? Anong pinagsasabi mo??"    Tila mas lalo pang naguluhan ang ina sa sinabi ng anak.




"Hahahhahhaha... Nakita nyo na! miski kayo hindi nyo inaakalang iyang HALIMAW na iyan, na INAMPON ninyo ay si Ardolf na isa talagang HALIMAW!!!!!"..   Sabat naman ng Lalaki na nagtago sa likod ng pulis. Sabay duro-duro sa nilalang na sa harap nila.




My WereWolf ManWhere stories live. Discover now