Part 4

315 19 0
                                    

"Oh, Maki, kamusta ang pagtuturo?"

Andito kami sa hapagkainan nang tanungin ako ni Mama. Napangiti ako.

"Mr. Principal offered me a deal. Hindi na ako nagtuturo sa regular grade school students. Focus ako sa isang estudyante, Ma."

"Ganun ba. Bakit naman isang estudyante lang?"

"Special kasi ang estudyante kong iyon," nasabi ko na lang.

"May sakit, ate?" biglang singit ng kapatid kong babae.

"Mika!" saway ko sa kanya. "He's normal. Madali ko ngang nakagaanan ng loob."

"Talaga?" si Mama. "Ilang taon na ba yang tinuturuan mo at bakit kailangan mong magfocus sa kanya?"

"25."

Hindi ko alam kung pang asar ba yung biglang niyang pag ubo sa harap ng hapagkainan.

"Mas matanda pa sayo, ate?!" si Mika na namang singit.

"Ano ba, Mika?!" Kainis naman itong mga ito! Ano bang problema nila?! "Ma, ayos lang ako sa bago kong assignment sa academy. Mas preferred ko pa ito e. Mas makikita ko kung effective ba akong teacher kasi makikita ko kung nag eexcel ang estudyante ko."

"Magsabi ka nga ng totoo," si Mama. Halatang naguguluhan na. "Anong meron sa estudyante mong yan at kailangang mong magfocus sa kanya?"

Napabuntong hininga na ako. Kailangan ko na rin sigurong sabihin. "Ma..."

"I told you, Ma. May kung ano dyan sa estudyante ni Ate."

"Mika! Ano ba?!" Kainis talaga itong kapatid ko. Pinangungunahan ako. "He's not, okay?!"

"E, ano nga?" Naiinip na si Mama.

"He's autistic."

"I told you so," si Mika. Okay. Siya magaling manghula. Pumwesto na kaya siya sa may Quiapo?

"Autistic? Kaya mo ba yan? Wala ka namang specialization sa mga ganyang estudyante?" Alam kong nag aalala lang si Mama.

Umiling iling ako. "Kaya ko ito, Ma, don't worry. Nameet ko na naman si Frinze. And I can say that he's okay."

"Frinze pala ang pangalan ha?" May nakakalokong ngiti sa mukha ng loka kong kapatid. Alam na? "Gwapo ba, Ate?"

"Mika?!" Bwisit talaga itong isang ito. Ang hilig makialam.

"Ano nga, Ate? Sabi mo 25 na siya. Three years ang tanda niya sayo?"

"E, ano?" pangbabara ko sa kanya.

"Maki, kung hindi mo kaya, mag quit ka na lang dyan sa offer ng principal niyo," paalala pa ni Mama.

"No, Ma," tanggi ko. "Kaya ko ito. Mas mabait pa nga siya kaysa kay Mika e."

"Ate naman?!" angal naman ng kapatid ko.

"Totoo naman."

Napanguso na lang itong mabait kong kapatid sa sinabi ko.

"Oh siya, bahala na kayo dito. Mauna na ako sa inyo. Tapos na rin naman kayo."

"Oh sige, Ma, ako nang bahala dito."

"Ma, samahan ko si ate. Good night," si Mika.

Nauna na si Mama pero si Mika? Ewan ko dito. Mukhang hindi ako titigilan nito e.

"Ate, kwento ka na." Sabi ko na nga ba di ba?

"Anong ikukwento ko?" Habang nililigpit ko itong pinagkainan namin.

"About kay Frinze mo. Ano na?"

Ang kulit! Frinze ko?! Ano ba naman mga naiisip ng batang ito. "Tigilan mo nga ako, Mika. Frinze is my student."

"He's handsome?" Nakapuppy eyes pang sabi niya.

Pero inirapan ko lang siya. Mga nalalaman nitong batang ito! "Ilang taon ka na ba?"

"17," sinagot naman niya yung tanong ko di ba?

"Kaya tigilan mo ako. Matulog ka na nga, Mika!"

"Sagutin mo muna kasi ako. Ano na?!"

"Oo na!" Para lang tigilan niya ako.

"Sabi ko na nga ba e! He's handsome! Namula ka kasi ng unang itanong ko yun!" Sabay takbo palabas ng kusina. Tsk! Tsk!

"Mika!!"

Pang asar na bata yun! Sabi ko na nga ba may ihihirit pa yun ee!

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now