Last Part

451 27 0
                                    

"Who's autistic? Frinze is not an autistic. Ano ka ba, Maki, parang hindi mo kilala ang bestfriend mo?"

Hindi na ako nakapagsalita. Ibang bahay nga talaga yung napuntahan ko. I need to go. Baka hinahanap na ako ni Frinze, na estudyante ko na walang trabaho.

Hindi na ako nakasagot pero mukhang naramdaman niya ang pagkabalisa ko.

"Hindi mo pa rin ba ako nakikilala, Maki?" Tanong niya.

Pinipilit ko naman ang sarili kong maalala siya pero wala e. Hindi ko mahugot ang alaala ko sa kanya.

"I'm your Uncle Fred. I'm Frinze' father. Ang bilis mo naman makalimot."

"Uncle Fred?"

"I think my ginawang kalokohan si Frinze. You thought he's autistic? Mukhang baliw na talaga yang bestfriend mo."

Bestfriend ko? Kanina pa niya pinagpipilitang bestfriend ko si Frinze. Never. Because my bestfriend is... Harty?

He's Harty? No! He's not Harty! He's not... Frinze Hartford? He's Frinze Hartford! He's my bestfriend? He's my bestfriend!

Ang estudyante ko ay ang bestfriend ko? Na iniwan ako seven years ago!

No! He's not! Coincidence lang ito! Na parehas sila ng pangalan?! Pati apelyido?! Bakit hindi ko agad narealize yun?! Pinakilala siyang autistic! Pero hindi pala?! Kalokohan lang ang lahat ng ito?! Pero bakit?! Para saan?!

Bakit niya ako niloko?!

"Kausapin mo naman ako. Alam mo na ba? Sorry... hindi ko naman intensyong lokohin ka..."

At ngayon, nasa harap ko na siya. Ano nang gagawin ko? Ano nang sasabihin ko? Dapat ba akong magalit?!

"Namiss kita. Namiss talaga kita. Nagawa ko yun kasi... hindi ko alam kung paano ako haharap sayo. Kinunsinti naman ni mama yung kalokohan ko. Napilitan lang siya kaya wag ka magalit sa kanya. Sa akin na lang. Hindi alam ni papa ito kaya ayan... nasabi na niya yung totoo."

Hindi ko alam kung anong dahilan at bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Naiinis ako na bakit kailangan pa niyang magpanggap pero nandito rin yung pakiramdam na... he's Frinze! He's Harty! He's Frinze Hartford! He's my bestfriend!

Na hinanap ko for almost seven years!

"Maki?!" Sabay hawak niya sa mukha ko. "Wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kitang umiiyak. Ayaw ni Frinze na nakikita kang umiyak. Naiiyak din si Frinze."

Kainis! Bakit parang mas namimiss ko yung Frinze na naging estudyante ko for two days? Nasaan na si Frinze na mahilig maglaro ng lego pieces? Yung Frinze na akala ko talaga autistic. Kaya pala? Kaya pala minsan mukha siyang seryoso, yun pala! Argh! Nadala niya talaga ako dun! Kaya pala, yung mga tingin niya sa akin na parang bigla siyang nagiging seryoso. He's Frinze. My bestfriend. My love.

"Namiss ka ni Frinze. Hindi naman talaga kita iniwan. Nagpaalam naman ako di ba? Sabi ko babalikan kita," aniya sabay yakap sa akin. "Namiss mo ba si Frinze?"

Hindi ako nakasagot. Patuloy lang ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko hanggang sa naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

There's no words can express how much I miss him. Akala ko talaga hindi na niya ako babalikan.

"I miss you. I love you."

I hugged him, the very tight I can do. Ayokong mawala pa siya ulit sa akin. Baka tuluyan ko na siyang makalimutan.

He's Frinze. My bestfriend, my love. For almost seven years.

 For almost seven years

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon