Part 5

318 22 0
                                    

"Miss Maki, nasa recreational room na ang estudyante mo."

Ha? Bigla akong napatingin sa orasan dito sa loob ng faculty pagkasabi nun ni Mrs. Javier.

6: 49 a.m. ? Palang?

Andito na siya sa school? Ang aga naman niya? Ni hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko? Pupuntahan ko na ba siya? Ni hindi na nga ako nakapag almusal. Sabi ko kasi dito na lang ako sa school kakain pero mukhang pati yun mauudlot.

Paano ba ito?

"Kanina ka pa niya hinahanap," dugtong pa ni Mrs. Javier.

Okay. I have no choice.

Tumango tango na lang ako. "Sige, pupuntahan ko na."

I sighed sabay pihit sa doorknob. Pagkapasok ko, ang nakaupong Frinze sa sahig ang bumungad agad sa akin. As usual, naglalaro na naman siya ng mga lego pieces niya. Pero napansin kong napagdidikit na niya ang mga iyon. Magaling. Improving ang estudyante ko.

"Frinze..."

Pero hindi niya ako nilingon. Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo na para bang hindi tama ang ginagawa niya.

Ano kayang problema?

Lumapit ako sa kanya para alamin kung anong ikinababalisa niya.

"May problema ba, Frinze?" tanong ko sabay hawak sa ilang lego pieces niya.

Napatingin ako sa kanya ng napansin kong hindi na niya ginagalaw ang lego pieces niya. Pero hindi rin naman na ako nakapagsalita nang magtama na ang mga mata namin. Yeah. He is looking at me. Alam mo yung feeling na parang tuwang tuwa siya nang makita ako? Pero hindi e. Wala akong nakitang anumang emosyon sa kanyang mukha. Nakatingin lang siya sa akin. His plain, impassive face. Andoon na naman.

"Teacher Maki," sabay haplos sa mukha ko. Eto na naman siya. Hilig niya talaga ito no? "Teacher Maki? Teacher Maki?!"

"Frinze," sabay hawak ko sa kamay niyang nakahaplos sa pisngi ko. "Ako nga ito, si Teacher Maki. May problema ba?"

Bigla niyang binawi yung kamay niyang hinawakan ko. "Teacher Maki, andito ka na! K-kanina ka pa hinahanap ni... ni Frinze."

"Kanina ka pa dito? Ang aga mo nga e. 7:30 pa naman ang time natin."

"Galit ka ba kay Frinze, Teacher Maki?" aniya sabay tingin sa bintana at tinuro turo ang sarili.

"Hindi," umiling iling ako. "Hindi, Frinze. Ayos lang. Nagtaka lang ako."

"Namiss ka ni Frinze, Teacher Maki."

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Namiss niya ako? Kahapon lang kami nagkakilala pero ang gaan-gaan na ng loob niya sa akin. Parang ang laki agad ng tiwala niya sa akin. Parang pakiramdam ko dapat kong suklian yun.

"Hindi mo ba ako namiss, Maki?"

Hindi lang ako nakaimik, natulala pa ako sa sinabi niya. He's now straight looking at me. Na para bang may inaantay siyang sagot mula sa akin? Bakit ganun? Pakiramdam ko, may ibang ibig sabihin siya dun? Atsaka? Is he serious? Napakaseryoso ng mukha niya.

Frinze? Siya ba talaga si Frinze? Bakit parang ibang tao itong kaharap ko?

Bigla ay binawi na niya ang tingin at tinuon ang pansin sa lego pieces niya.

"Tingnan mo, Teacher Maki, kaya na ni Frinze pagdug---tung dugtungin ito," sabay demo sa harap ko.

Napatango na lang ako sa harap niya. Pilit ko pa kasing inaabsorb kung totoong nangyari yun? Yung kanina. Na parang normal siyang nakikipag usap sa akin. Na seryoso siya kanina nang tanungin niya ako kung namiss ko siya.

Bakit kasi hindi ko na lang siya sinagot ng oo?!

Natulala pa tuloy ako!

"Nag almusal ka na ba, Teacher Maki?" aniya na nagpagising sa tulala kong isip.

Oo nga no? Hindi pa pala ako nag aalmusal. Aga niya kasi.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa may lamesa. Hindi ko napansing may mga nakapatong palang supot doon.

"Teacher Maki, kain k-kayo ni Frinze. Baka h-hindi ka pa din nag aalmusal. M-masama ang hindi kumakain ng... ng almusal," sinasabi niya yan pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Parang hindi niya alam kung saan siya titingin.

Napangiti ako. Gentleman din pala siya. Atleast, he is concerned about me. Assuming lang.

"Teacher Maki, a-ayaw mo bang... kumain kasabay si Frinze?" Aniya sabay upo na para bang disappointed. "A-ayos lang, Teacher Maki."

"Hindi! Hindi!" Tanggi ko. "Sige, ayos lang sa akin. Alam ma kasi, hindi pa rin ako nakakapag almusal." Lumapit ako sa lamesa at naupo sa katapat niyang upuan.

"Teacher Maki, pwede ka bang pumunta sa bahay ni Frinze?"

Napahinto ako sa tangkang pagbukas nitong mga supot sa bigla niyang tanong.

Ako? Pupunta sa kanila? Sa bahay nila?

"Bakit?" Nakangiti kong tanong. "Anong meron?"

"Gusto kitang makasama."

I was froze. Eto na naman siya. That serious Frinze. Kaya minsan naiisip ko, autistic ba talaga siya?

Hindi na ako naksagot sa kanya. Hindi na ako nakaimik. Andito yung pakiramdam na parang ibang Frinze yung kaharap ko at parang kontrolado niya ako.

"A-ayaw mo bang sumama kay Frinze? Gusto ni Frinze makapunta ka sa bahay niya." Sa iba na siya nakatingin. Sa bintana, lilipat sa may pinto.

Mukhang inaasahan niya ang pagpayag ko. Anong gagawin ko? Pwede ko siyang turuan at home kung mas komportable siya sa ganun.

"Kailan mo ba gusto?" Natanong ko na lang.

"Bukas."

Doon na ako napatingin sa kanya. Bukas agad? Talaga?

"Bukas? Gusto mo ba doon na lang tayo sa inyo mag aral. Hindi ka ba komportable dito?"

Umiling iling siya. "Bukas, Teacher Maki."

Tumango tango na lang ako. "Sige, bukas."

Nakita kong ngumiti siya, sa harap ng bintana.

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now