Part 6

292 18 0
                                    

"Ate..."

Napatingin ako sa kapatid kong nababaliw na ata. Makangiti kasi sa akin, parang ewan, kulang na lang mapunit na yung pisngi.

"Bakit?"

"Ate..." ulit niya. "Ate..."

"Ano nga?! Para kang baliw dyan. Ate ka ng ate."

"May ibibigay ako sayo."

Tinitigan kong maigi itong kapatid ko. Anong nakain nito at naisipan akong bigyan ng kung ano man yun.

"Ate, grabe ka ha. Regalo ko ito sayo," nakanguso pa niyang sabi.

"Anong okasyon?" Umupo na ako sa study table ko at inayos ang mga gamit ko para bukas.

"Wala. Basta! Oh eto na!" Sabay lapag ng kung anong papel sa mesa ko at dali dali siyang lumabas ng kwarto ko.

Anong problema nun? Nahiya pa sa akin. In fairness, mabait din pala yung kapatid kong iyon.

Pero ano ba ito? Kinuha ko itong nilapag niya sa mesa ko. Teka, picture? Picture pala ito?

Picture... ko? This was taken few years ago? Paanong nakuha niya ito? Saan niya ito nakuha? Batang bata pa ako dito. Mukhang musmos na ewan. This was when I was in high school. Yeah. In high school. I'm with my bestfriend.

Bwisit na Mika yun ah! Anong problema nun at binigay niya sa akin ito?! That was seven years ago! Ako na lang mag isa ngayon. Naiwan ako. My bestfriend went in States and our communication was gone. Good bye, bestfriend. Good bye, Harty.

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now