Part 9

301 20 0
                                    

Dali dali akong nag ayos ng sarili at mabilis na lumabas ng kwarto at niisang hakbang ang pagbaba ng hagdan papuntang kusina.

Teka?! Anong kusina?! Ano ba yan?! Sa may dinning area? Tama! Doon. Baka doon siya dinala ni papa?!

Mabilis na tinakbo ko ang papuntang dinning area pero huli na... huli na dahil naabutan kong nakikipagtawanan na si Maki kay papa.

Argh! Baka kung ano nang naikwento ni papa kay Maki?!

"Oh ayan na pala si Frinze," sabay tayo ni papa at lumapit sa akin. Pero si Maki ay hindi man lang nagawang lingunin ako. Mukhang alam na niya. "Hey, son, sana sinabi mo sa akin para nakasakay ako. I think you owe an explanation for her. Galingan mo." Saka niya kami iniwan dito sa may kusina.

Wala na. Andito na yung kaba. Yung kaba para sa kalokohang ginawa ko. Mapapatawad pa kaya niya ako?

Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat niyang upuan. Sa inupuan ni papa.

I sighed. Andito na ito e. Tanga ko kasi. "Maki..."

Hindi niya ako nilingon. Nanatili siyang nakatungo.

"Maki..." ulit ko. Napakamot na rin ako sa sarili kong buhok. Mukhang ayaw niya akong kausapin.

Hanggang sa napansin kong tumayo na siya at palabas na ng kusina pero hindi ako papayag. Ayokong matapos lang ang kalokohan ko sa ganito.

Hinablot ko ang braso niya bago pa siya makalabas ng kusina. Hinarap ko siya sa akin pero nakatungo pa rin siya na para bang ayaw niya talaga ako makita.

"Kausapin mo naman ako. Alam mo na ba? Sorry... hindi ko naman intensyong lokohin ka..."

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now