Part 7

297 18 0
                                    

"Nasa kwarto pa po niya si Sir Frinze. Kung gusto niyo po puntahan niyo na lang."

Umiling iling na lang ako sa kasambahay nila. Ayoko namang istorbohin yun. Alam naman niyang pupunta ako ngayon e.

"O sige. Kung may kailangan ka, nasa may kusina lang po ako."

Ngumiti ako saka siya tumuloy na sa may kusina.

Napalibot na lang ako ng tingin dito sa buong kabahayan nila. Malaki din. Hindi ko na nga nakita kung saang kusina pumunta yung kasambahay na yun. Napaupo na lang ako dito sa sofa at pumapatay ng oras sa paghihintay kung bababa pa ba si Frinze.

"Maki?"

Akala ko si Frinze na ang malilingunan ko pero hindi pala. Isang lalaking nasa kalagitnaan ng kanyang edad ang nakita ko. He seems so familiar to me. Parang nakita ko na siya kung dati. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

"Is that you? Maki?" Bakas ang tuwa sa boses niya na makita ako.

Pero sino ba siya?

"S-sir?" Nag aalangan ko pang tawag sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko e.

"Ang laki mo na. Ibang iba ka na sa huling pagkikita natin," aniya sabay lapit sa akin ng konti.

Teka?! So nagkita na talaga kami dati?! Kailan?! Saan?!

"Si Frinze nasa kwarto pa niya. Kung gusto mo, puntahan mo na siya. Pakigising na lang. Ang dami pa niya kamong trabahong gagawin sa opisina," natatawang sabi niya sa akin. "Oh, by the way, kumain ka na ba?"

Sa dami ng sinabi niya, wala na akong naintindihan. Teka nga?! Tama ba itong bahay na napuntahan ko?! Bakit ganito?! Parang iba?! Anong trabaho ni Frinze?! Estudyante ko si Frinze at hindi siya nagtatrabaho!!

"Iha," sabay tapik niya sa balikat ko. "Tulala ka na dyan. Hindi ka pa nag aalmusal no? Tara sa kusina."

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya ng dalhin niya ako sa kusina.

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now