Part 8

300 18 2
                                    

"Sir Frinze! Sir Frinze! Gumising na daw po kayo sabi ng papa niyo!"

Tatlong katok sa may pinto ko ang nagpagising sa akin. Kusot-kusot pa sa mga matang bumangon ako sa aking kama. Saka ako napatingin sa aking orasan.

8:27 a.m.

"Sir, may bisita pala kayo!"

Bisita? Anong araw ba ngayon? Thursday? Friday? Sinong bibisita sa akin ngayong araw?

"Teacher Maki daw, sir!"

Doon na ako napadilat ng maigi saka mabilis na tumakbo palapit sa may pintuan.

"Kanina pa siya dito?!" Tanong ko agad pagkabukas ng pinto.

"Yes, sir. Mga 7:30."

Bigla akong napakamot sa aking ulo. Bakit nakalimutan ko yun!! Oo nga pala pinapapunta ko siya ngayon! Argh! Napuyat kasi ako kagabi, daming pinagawa ni papa, mga papeles sa opisina na hindi ko na natandaan kung para saan.

"Nasaan na siya? Sana binigyan mo muna ng almusal?"

"Sir, kasama ng papa niyo sa may kusina."

"Ano?!?!?" Hindi nga?! Kasama ni papa?! Patay ako nito!! Lagot ako nito!! Argh... umalis kasi si mama. Mahaba habang explanation to!! "Oh sige sige. Bababa na ako. Mag aayos lang ako. Pakisabi antayin ako."

"Bilisan niyo daw, sir, sabi ng papa niyo."

Argh!! Anong gagawin kooooooooooo?!

-----

My Autistic Love Story [A SHORT STORY] Where stories live. Discover now