I : ANG MGA PINAGPALA

22 0 0
                                    

Ang Elixhir ay ang natatanging kaharian na nakatayo sa ibabaw ng karagatang Atlantis na pinamamahalaan ng iisang hari na may pitong mga anak. Ang kaharian ay tirahan ng pitong angkan: ang mga Alkhazar (salamangkero), ang mga Chen (mangingisda), ang mga Lamia (ang mga babaeng mang-aawit), ang mga Ningyo (tagadala ng tubig sa kaharian), ang mga Hobbitt (magsasaka), ang mga Sleipnir (higante), ang mga Adlet (tagapag-alaga ng mga hayop), ang mga Aschai (tagapag-alaga ng mga halaman), at ang mga Griffin (mga nilalang na may pakpak).

Dahil sa ganda at tanyag ng kaharian, kinawilihan itong dayuhin ng mga nilalang sa paligid nito. Labis ang naitulong ng mga Elixhirite sa mga tao kagaya lamang ng pagbibigay ng pagkain at inumin sa kanilang mga nasasakupan, pagtatanim ng iba't-ibang uri ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop, at pagbibigay ng aliw sa mga dayuhan.

Lingid sa kanilang lahat, sila ay makararanas ng matinding pagsubok buhat sa kanilang mga kaaway at ito'y magiging dahilan upang mawala sa mundo ang matanyag na kaharian.

Isang araw nagpunta ang pinuno ng mga Alkhazar kay Haring Emeritus upang magbabala sa darating na panganib sa kanilang kaharian. Dahil sa babala, inihanda ni Haring Emeritus ang kanyang pamilya papunta sa bundok ng Everest.

Kinabukasan, maagang naghanda ang mga Griffin upang maihatid si Reyna Cassiopeia at ang kanilang mga anak at nang iilang Elixhirite na makakasama nila sa paglalakbay. Ang mga sanggol ay nakalagak sa bawat gintong basket na nasasapinan ng malabot na tela. Sila ay may mga natatanging simbolo sa kanilang likod at nagtataglay ng kakaibang kakayahan. At ang isa naman sa kanila ay may pilat na espada na nagpapatunay na ito ay magiging mabuting pinuno sa mga susunod na panahon.

Sa ibabaw ng kabundukan, inihanda ng reyna at nang mga Alkhazar ang mga bata para sa isang seremonya ng pagtatawid nila sa hinaharap. Kinuha nila bawat isang bata at sinimulan ang seremonya. Nagsalita ang reyna,

"Emerald taglayin mo ang kapangyarihan ko na mangangalaga sa buong sangkalupaan, maghari ka sa mundo bilang tagapangalaga ng lupa at tahakin mo ang iyong kapalaran kasama ang mga tao."

Iniabot naman ng kawal ang iba pang sanggol at nagsalita,

"Kyan taglayin mo, aking anak, ang kapangyarihan na magiging gabay mo sa iyong buhay, ingatan mo ang karagatan at ang lahat ng may buhay sa ilalim ng dagat. Tawirin mo ang iyong pangarap, at huwag kang mag-alinlangan sa iyong tadhana ...

Onyx inihahabilin ko rin sa'yo ang kapangyarihan ng tubig at maging matikas na agwador[1], maging gabay ka sa landas ni Kyan at huwag magpadaig sa pansariling kapusukan ...

... dahil sa pagdating ng panahon ang iyong katikasan ang magbabalik sa kahariang 'di na muli malulusaw, magiging pinuno ka na may matapang na desisyon at sariling paninindigan at pumumunuan mo ito upang hindi na ito maglaho sa mundo.

Amee, tataglayin mo ang kapangyarihan ipinagkaloob ng hangin. Lumipad ka gaya ng mga ibon, at hanapin mo ang iyong landas at gabayan ang lahat ng mga may buhay sa itaas ng karagatan at sangkalupaan."

Naramdaman nila ang malakas na pagyanig mula sa kaharian kaya inabot na agad ng kawal ang iba pang mga bata.

"Firo, ikaw ay magiging isa sa mga matapang na mandirigma, tanggapin mo ang kapangyarihang nagmula sa ilalim ng lupa. Maging matatag ka anak at tanggapin ang hamon sa'yo ng kapalaran...

...Ruby, ikaw naman ang mangangalaga sa init at alab ng apoy. Ingatan at pagliwanagin mo ang liyab ng apoy para matuntunan nila ang daan patungo sa ating kaharian sa darating na panahon.

At ikaw aking bunso, Zir, inihahabilin ko sa'yo ang kalawakan. Ayusin mo ang lahat sa labas ng mundo at pagharian mo. Ikalat mo ang kapayapaan na igagawad sa'yo ng aking kapangyarihan."

Natapos na ang seremonya, iginayak na ng reyna ang salamangka kasama ng mga Alkhazar upang makapaglakbay na ang mga bata sa hinaharap. Sa paglalakbay ng mga bata, sila ay mapupunta sa iba't ibang bahagi ng mundo dala ang mga natatanging kapangyarihan.

Samantala, isang sumpa ang binitiwan ng reyna habang umiiyak,

"Isinusumpa ko, ang kahariang tinupok ng galit at poot ay babalik kasabay ng aking mga anak. Pupunuin nila ng kapayapaan ang mundo at wawakasan ang mga sigalot at hidwaan. At sa pagbabalik ko, muli mong buhayin ang aming mga kasamahang naging biktima ng mga kaaway at sila ay bigyan ng walang hanggang buhay ..."

Sa pagkakataong ito, nagsimula na ang digmaan sa loob ng kaharian. Kitang-kita nila ang mga bumabagsak na batong-apoy na mula sa kalangitan, walang humpay na pagkidlat at pagkawasak ng kaharian.

Mga ilang saglit pa bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong mundo. Nakita ng mga Alkhazar na tila nalulusaw ang lupa at lahat ng may buhay kaya gumawa sila ng mahika upang maingatan silang 'di mapasama sa paglusaw ng kaharian.

Ang reyna ay nakaramdam ng matinding hinagpis habang nakikita niya ang kanilang tahanan na natutunaw at ang nagpatindi pa ng kanyang pagdadalamhati ay ang kanyang asawa ay kasama din sa pagkalusaw ng kaharian.

ITUTULOY   

The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now