VI: ANG IMBITASYON NI SOCRATES

13 0 0
                                    

Mabilis naghanda ang mga sundalo ng hari upang iligtas ang mga bihag ng mga bandido. Ngunit natunugan ng mga kalaban ang plano ng pinuno ng mga sundalo, pinasabog nya ang dulong bahagi ng Song Nuang Nooch na naging dahilan upang matakot ang mga tao. 'Di maatim ni Chai ang nagaganap sa kanyang pangalawang tahanan kaya lumabas siya ng kanilang kampo upang tumupad sa gusto ng pinunong bandido.

"Itigil na ninyo ang pagpasabog sa aming kaharian, parang awa na ninyo", pagsusumamo ni Chai. "Ako na lang ang kunin ninyo tutal ako naman ang kailangan ninyo 'di ba?" dugtong pa nito.

"Sige, ihanda mo ang iyong sarili kung ikaw talaga ang aming kailangan buhayin mo ang mga nasira namin!" sigaw ng pinunong bandido.

Ang mga luhang pumatak sa lupa ang nagpatunay na kaya ni Chai buhayin ang mga nawala sa kanilang halamanan. Nakita niyang unti-unting nabuhay at namukadkad ang mga bulaklak at halaman sa Song Nuang Nooch.

Nagulat ang hari sa kanyang nakita kaya kinausap niya si Chai. "'Wag mong isipin kami kaya namin iligtas ang mga bihag, kailangan ka ng ating kaharian", ang sabi ng hari. "Hindi po maaari, ako po talaga ang kailangan nila, hayaan ninyo po akong gumawa ng paraan para sa mga bihag", tugon ni Chai.

"Alam kong nakikinig ka sa akin, pakawalan mo ang mga bihag at ako ang kunin ninyo", sigaw ni Chai. Pinakawalan ng mga bandido ang mga bihag at tumakbo papunta ng kampo samantala si Chai ay tumupad sa kanilang kasunduan. Lumakad si Chai papunta sa kampo ng mga bandido na may halong takot at kaba. Pagdating niya sa loob isang boses ang narinig niya, "Maligayang pagdating, Emerald sa aking mundo!" Biglang nagdilim ang paligid ni Chai at bigla siyang nawala sa Pattaya.

Nanumbalik angkatahimikan sa buong Song Nuang Nooch kasama ang matinding lungkot atpag-aalala.

The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now