VII: SI EMERALD SA ILOG NG MEKONG

19 0 0
                                    

Nagliwanag ang paligid ni Chai at nakita niya ang isang hardin na kulay luntian na nasa ibabaw ng tubig. Nang hawakan niya ang halaman nagpatuloy ang pamumukadkad nito sa buong paligid. At nagsalita ang isang binatang lalaki sa harapan niya, "Emerald, alam kong natakot kita kanina. Pasensya na kung 'di man ako sayo nagpakilala nang maayos. Ako si Socrates, isang Al khazar huwag kang matakot sa akin ginawa ko lamang iyon para makuha ko ang iyong loob na sumama sa akin", ang tugon ni Socrates.

"Kung gayon isang palabas lamang ang lahat ng nakikita ko. Bakit ano ba ang kailangan ninyo sa akin?" tanong nito sa salamangkero. "Sa totoo lang maraming nagtatangka kunin ka hindi dahil sa kakayahan mong mag-alaga ng halaman kundi upang kunin ang taglay mong kapangyarihan", ang sagot ni Socrates. "Itong kapangyarihan na nasa palad ko, ang inyong habol, 'di nyo naman kailangan magkagulo ng dahil dito alam ninyo kung bakit ibibigay ko naman ito sa inyo", sabi ni Chai. "'Di ko yan kailangan ibinigay sa'yo nang ating reyna, ang iyong ina kaya dapat ingatan mo yan para hindi mawala sa'yo", tugon ni Socrates.

Natahimik si Chai habang naglalayag sila gamit ang isang malaking water lily papunta sa bayan ng Sekong. Unti-unting nabuhay ang paligid ng ilog Mekong habang naglalayag sila ni Socrates. Kitang-kita sa mukha niya na ito ang kanyang panibagong hamong tatahakin. Ang panumbalikin ang dating ganda ng ilog Mekong.

Natanaw ni Socrates ang daungan papunta sa bayan ng Sekong. "Emerald, malapit na tayo sa pupuntahan natin", sabi nito. "Huwag mo akong tawaging Emerald, hindi iyan ang pangalan ko", pasimangot na sinabi ni Chai. "Patawad, mahal na prinsesa", dugtong pa nito. Lalo nagsimangot si Chai.

Nang makababa na angdalawa, nakita ni Chai ang lungkot sa paligid. Walang kahit isang halaman salugar, maputik at para sa kanya ang lugar ay masasabing walang buhay. Ang bayanng Sekong ay nasasakupan ng Laos. Dito nakatira ang batang minsang natulunganni Socrates, si Pawut.

The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now