III: SI LIU CHEN AT ANG KANYANG PANGUNGULILA

9 0 0
                                    

Nasaksihan ng lahat ng tao ang mga pangyayari sa kapaligiran. Nagkaroon ng lindol at tumaas ang tubig sa ilang bahagi ng mundo. Takot at pagkabalisa ang kanilang naramdaman dahil sa matinding unos.

Sa kabilang banda, nakatawid na ang mga Elhixhirite sa hinaharap at sila ay matiwasay na nakarating sa kani-kanilang paroroonan. Pero may isang ina na labis na nangungulila para sa kanyang mga anak.

Nang maglaho ang kaharian ng Elhixhir, si Cassiopeia kasama ng mga Al khazar, ng mga Psychai at ng mga Ningyo. Nilakbay nila ang mundo at nagbagong buhay. Sa pagbabagong buhay nila, gumawa ng mahika ang mga Al khazar para mag - anyong tao sila at mamuhay na kasama ang mga tao.

Samantala, si Cassiopeia ay nagpaiwan na lang mag-isa dahil ramdam niya pa rin ang lungkot at pighati. Nagpaiwan ang pinakabatang Al khazar na si Eerie upang may makasama ang reyna sa kanyang paglalakbay. Nagpasalamat ang reyna sa kabutihan ng tapat na Al khazar at sila ay naglakbay papuntang China.

Pinag-aralan nila ang iba't-ibang gawain at tradisyon na kinamulatan ng mga Chinese sa Fujian Province. Doon natutunan nila makisalamuha sa mga taga-roon. Hindi naglaon sila ay lumipat sa Shanghai .

Sa lumang templo, nakatira si Wei (ang bagong anyo ni Eerie) at naging tagasilbi ni Liu Chen (ang bagong anyo ni Cassiopeia), matandang nangangalaga sa templo .

Sa loob ng templo,tahimik na minamasdan ni Liu ang malinaw na batis na kinatatayuan ng puno ngcypress. Dumampi rin ang malamig na hangin mula sa mga matataas na puno ngcenturion. Ramdam niya ang kalungkutan mula sa humuhuning ibon sa ilalim ngpuno. Dahil sa huni ng ibon, naluha siya at naalala niya ang kanyang pamilya. Natanawniya si Wei at inutusan, "Wei, magdala ka dito ng tsaa at pagsaluhannatin."

"Masusunod po, mahal na reyna", tugon ni Wei. Nagdala si Wei ng tsaa at tinapay at inihain na niya ito sa harap ni Liu. " 'Di na ako magtatagal sa mundo, nais ko sana makita ang mga anak ko", sambit ng reyna. "Inaatasan kitang maghanap sa mga anak ko bago ako mawala sa mundong ito", dugtong pa niya.

"Eh, paano ko po yun magagawa, kahit isang bakas o palatandaan ay 'di ko alam...'ni pangalan at anyo nila ay 'di ko rin alam?", tanong ni Wei. "Ipapagamit ko sa'yo itong kwintas ng hari, magliliwanag ito gaya ng isang apoy. Kapag natapatan sila nito, mag-iiwan ito ng simbolo ng hari sa kanilang noo. Kapag nakita mo na silang lahat magagamit mo ang kapangyarihan ng kwintas, buhayin mo ang kaharian ng Elhixhir", wika ni Liu. Tinanggap niya ang utos at umalis na siya.

Naging mabilis ang panahon para kay Liu, naglaho na ang naturang ganda nya at walang hanggang kabataan. Naging mahina at sakitin din siya at ang nakakalungkot tanging siya na lang ang naiwan sa loob ng templo.

Isang araw, nakita ni Liu na may lumabas na guhit mula sa kanyang palad. Nakita na niya ang nakatakdang kapalaran mula sa mga guhit ng kanyang palad. Dahil doon nangamba siya na baka 'di na niya makita ang kanyang mga anak kaya tinangka niyang buksan ang salamin na binigay ni Haring Emeritus sa kanya. Nagliwanag ang buong silid na kinalalagyan ng salamin at doon nakita niya si Wei. Natagpuan na ni Wei ang isang bata na nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa. Ang kanyang anak na si Emerald.


The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now