IV: SI WEI AT ANG KANYANG PAGLALAKBAY

11 0 0
                                    

Madilim pa ang paligid ng umalis ng Shanghai si Wei. Sumakay siya ng sasakyan papuntang Beijing. Nakarating na si Wei sa Beijing at nakita na niya ang nakamamanghang Great Wall of China. Habang naglalakad siya sa Great Wall nakasalubong niya ang isang matandang na may kakaibang kapangyarihan.

"Iho, alam kong may hinahanap ka dito sa mundo na makakatulong sa inyong mundo", sambit ng matanda sa kanya. "Opo, kailangan ko po makita ang mga anak ng aking amo", tugon nito. "'Di mo dito matutuntunan ang hinahanap mo kasi wala sila dito sa aming bayan...

...ang mga batang hinahanap mo ay nakita ko na sa aking panaginip. Silang lahat ay nagkalat sa buong mundo at may kanya - kanyang buhay na ngayon. Kung gusto mo silang makikita, maupo ka sandali at ipikit mo ang mga mata mo", utos sa kanya ng matanda.

Ang matandang nakausap ni Wei ay may taglay din na kapangyarihan na katulad sa kanya. Minsan na itong nakapunta ng Elhixhir sa pamamagitan ng kanyang panaginip at nag-anyo itong batang babae noong nabubuhay pa si Haring Emeritus.

Ipinagkaloob ng hari ang kapangyarihan sa batang babae na ito upang makapaglakbay siya sa mundo ng mga tao. Nang maganap ang digmaan, ipinakiusap ng hari na siya ang gumabay sa mga bata sa mundo ng mga tao. Ginawa naman ng batang babae ang kanyang misyon at siya ay naglakbay pabalik sa mundo ng mga tao.

Nakatawag-pansin samatandang ito ang kwintas na dala ni Wei. Siya ay namangha kasi minsan niya naitong nakita na suot ng hari ng Elhixhir. Nalungkot at umiwas ang kanyangtingin sa nagniningning na kwintas at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

"Tapos na aking seremonya, iho. Lahat ng nakasulat sa buhangin, tandaan mo yan ang mga lugar na kailangan mong puntahan upang matuntunan ang mga batang magliligtas sa Elhixhir...

...'wag mong kalimutan ang bawat bata ay may kakaibang taglay na kapangyarihan, maaaring maging mapusok sila at ikaw ay labanan nila. Kaya ipapasama ko sa'yo ang alaga kong si Chou (ang apo ng matanda)", wika ng matanda.

"Paano po kayo sino na ang makakasama ninyo ngayon?" tanong ni Wei. "'Wag kang mag-alala, Eerie kaya ko ang aking sarili. Anumang oras ngayon magkikita kami ng reyna at kailangan niya ang aking kwintas", sabi ng matanda.

Nagulat si Wei sa sinabi ng matanda, parang kilalang-kilala siya nito at tila nakita na siya nito. Kaya bilang tugon sa sinabi ng matanda, siya at ang batang si Chou ay naglakbay na papuntang Guangzhou.

Pagdating nila sa Guangzhou, nagpahinga sandali ang dalawang manlalakbay at sabay nilang tatahakin ang dulong bahagi ng China. Sa kanilang paglalakbay , biglang nagliwanag ang kwintas patungo sa kinaroroonan ng maraming tao.

Tila may isang piging na ginaganap noong araw na iyon kaya nagsaya ang dalawang manlalakbay. Ang hindi nila alam na nakarating na sila sa Song Nuang Nooch (Nong Nooch) na nasasakupan ng Pattaya, Thailand.

Ang Song Nuang Nooch ay ang lumang kaharian na ginawa ng hari ng Thailand para sa kanyang yumaong asawa. Bilang alala, ipinaaayos ng bagong hari ang magandang hardin nito para mabuhay ang alala ng kanyang ina.

Sa paglalakad nila sa paligid ng halamanan, nabunggo sila ni Chai (ang batang tagapangalaga ng mga bulaklak ng kaharian). 


The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now