VIII: SI PAWUT

13 0 0
                                    

Nagtungo na sila sa bayan ng Sekong lulan ng isang kalabaw. Habang naglalakbay ang dalawa, 'di mapakali si Chai sa kanyang puwesto tila gusto niyang bumaba. "Pwede ba umurong ka ng kaunti parang ayaw mo naman akong paupuin eh", angal nito. "Sige po, bababa na lang ako para maging maluwag ang kinalalagyan po ninyo", mababang loob na tugon ni Socrates. Nanahimik na lang si Chai at nagpatuloy sila sa paglalakbay.

Pagdating nila sa bayan, nakita na agad ni Socrates si Pawut, ang batang tinulungan niya noon. Sumenyas lang ito dahil isa siyang pipi at naintindihan naman siya ni Pawut.

Inihatid na nga ni Pawut ang kanyang mga bisita sa kanilang tahanan. Habang naglalakad sila, walang ingay na maririnig mula sa mga tao ni kaluskos ng paa ay hindi maaari gawin ng mga taga-roon. At natatanging senyas o di kaya isusulat nila ang kanilang mga sasabihin upang sila ay magkaintindihan. Labis na nagtataka si Chai sa mga taga-roon kaya nagtanong siya kay Socrates."Bakit hindi sila nagsasalita eh mukhang kaya naman nila iyon gawin kesa magsenyasan?" usisa niya. Bigla siyang pinagtinginan nang mga tao dahil sa kanyang ginawa. Kaya binulungan siya ni Socrates, "'Wag kang maingay, kanina pa nila tayo pinag-uusapan. Ang katahimikan para sa kanila ay isang banal kaya ang bawat kilos at galaw nila dito ay dahan-dahan. Mamaya sasabihin ko sa'yo kung bakit sila hindi nagsasalita, kung pwede manahimik ka muna at magmasid".

Natahimik siya habang naglalakad sila papunta sa tahanan ni Pawut. Pagpasok sa loob ng bahay, nakahinga ng maluwag ang tatlo pagkatapos isara ang pintuan ni Pawut. "Magandang araw po sa inyo", ang bati ni Chai sa mga magulang ni Pawut. Tumugon ito sa pamamagitan ng pagsulat na tila nagbabanta na huwag gumawa ng ingay. Kaya natahimik si Chai sa isang tabi.

Sa pagpapatuloy ngmga araw ng kanilang pananahimik sa lugar tila nasanay na rin si Chai sapamumuhay ng mga taga-Sekong. Pero lingid sa kanyang kaalaman na isang pagsuboklamang tinatahak niya.

The Lost Kingdom of ElixhirWhere stories live. Discover now