Obsession 12

29.7K 504 22
                                    

Aliana PoV

  Nagising ako nang may Humahaplos sa Buhok ko kaya napadilat ako. Bumungad sakin ang nakangiting muka ni Chase.

"Good Morning Baby" malambing na sabi niya at hinalikan ang tungki nang ilong ko. Napapikit naman ako.

"Morning." mahina kong sabi at nagpumikit ulit. Inaantok pa ako.

"Hey. Sleepy Head. Wake up" natatawang sabi niya. Umupo naman ako sa kama habang nakapikit. "Late ka na umuwi kagabi" mahinang sabi niya at inunan ang mga binti ko. Napadilat naman ako at Sinuklay ang buhok niya. Ang lambot naman nito.

"Hmm. Hangover ka ba ngayon? Ang dami mong nainom kagabi" pag lilihis ko nang usapan.

"Yes. My head is Hurts. Ouch" sabi niya at napahawak pa sa ulo niya. Natawa naman ako.

"Siraulo ka talaga" sabi ko at iniangat ang ulo niya. Inilipat ko yun sa Unan.
"Maliligo lang ako" sabi ko at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang mga damit ko at binuksan ang Shower.

Hinayaan kong dumausdos ang malamig na tubig sa katawan ko. Right. Ano nang mang yayari sakin? Dati nag iipon lang ako para mapagaling si Nanay. Sunod ayaw akong pakawalan ni Chase. At ang mas malala ay malalaman kong hindi lang Ordinaryong Tao ang mga magulang ko? May mas sasaklap pa ba sa buhay ko?

Tinapos ko na ang Pagligo at kinuha ang nakasabit na Tuwalya. Lumabas ako nang Banyo at napangiti nang may nakahandang Damit sa Kama. Nandon din ang Undergarments kaya di ko maiwasang mamula.

Napailing nalang ako at nag suotnang damit. Teka. Parang hindi pang Opisina toh ah?

Bumaba nalang ako at may naamoy akong mabango. Anong..
Nang tuluyan na akong makababa ay naaubatan ko si Chase na naka Apron na Pink. E-eh?

"Pfft!" mapahawak ako nang bibig ko nang may tawang kumawala dito. Napalingon naman sakin si Chase at tinaasan ako nang kilay. Aba.

"What?" aniya kaya umiling ako. Nag patuloy lang siya sa pag luluto kaya napatingin lang ako sa likod niya.

Paano kung malaman niyang Pumapatay ako? Oo aaminin ko. May nararamdaman na ako para sakanya. At natatakot akong... Ayawan niya ako.

Tumayo ako at lumapot sa kanya. Niyakap ko siya pataligod kaya naramdaman ko ang paninigas nang katawan niya. Natawa naman ako nang mahina.

"Tuloy mo lang" sabi ko pero imbis na sundin niya ang sinabi ko ay pinatay niya ang kalan at humarap sakin.

"Why so sweet Baby? Do you have a Problem?" tanong niya at niyakap ako dahilan para mapasubsob ako sa Dibdib niya. Umiling naman ako.

"Wala namn. Ngayon lang toh ah" sabi ko kaya humiwalay siya nang yakap sakin at sumimamgot. Kinurot ko naman ang Ilong niya. "Para kang Bata"

"Kiss" sabi niya at ngumuso. Pinitik ko naman ang nguso niya. "Aww!" daing niya kaya inirapan ko siya.

"Nagugutom na ko. Ano? Wala ka bang balak pakainin ako?" taas kilay kong sabi kaya tumawa siya.

"No" w-what?

"Alis ka dyan Kakain ako!" sabi ko at malakas siyang itinulak. Nausog naman siya pero kaunti lang.

Bahala siya jan Nagugutom na ko.

"MALL tayo!" sabi ko habang hinahatak si Chase na naka upo sa Sofa at may kausap sa Cellphone.

"Wait Aliana" sinenyasan niya akong tumahimik kaya nakasimangot ko siyang binitawan. Umupo ako sa tabi niya. "Yeah. I'll be there" humarap siya sakin. "Wag kang lalabas. Babalik ako" Hala! Grabe siya! Iiwan niya talaga ako dito?

Umakyat siya sa taas at ilang minuto ay bumaba na siya. Naka Formal Attire na siya.

"I'll be back baby!" nag mamadaling sigaw niya kaya ngumiwi ako.

"Baby Your Ass!" inis kong sigaw. Sumandal ako sa Sofa at inilipat ang Channel na pinapanood ko.

Lipat.

Lipat.

Lipat.

Lipat.

"Ang papanget nang palabas!" inis na sabi ko. Ano kayang pwedeng gawin ngayo?

*ringggg!!*

Kinuha ko ang Cellphone ko sa Mesa.

"Hello?"

[Master] oh? Tinignan ko ang Cellphone. Si Pauleen pala.

"Stop that Master Thing Pau. Beauty nalang o kaya Goddess" biro ko.

[Haha! Punta ka dito Master. Ibibigay ko ang Appointment mo ngayon] nanlaki ang mata ko.

"Eh bakit saakin?!" gulat na sahi ko. Eh kahapon ko nga lang nalaman tapos Appointment agad!?

[You have Only 1hour and 30minutes. Mag papadala nalang ako nang Susundo sayo papuntang Kompanya mo] namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ako?! May Kompanya?!

"Kompanya ko?! As in nakapangalan sakin?!"

[Yes.]

"Pau! Ikaw nalang umattend!"

[Hindi Pwede. Importante yun at dahil alam mo nang namumuno ka ay ikaw ang mag dedisisyon.] napahilamos ako nang muka. Bakit ako?! Grabe!

"Paano kung makilala ako nang iba?!"

[Don't worry. You will Wear a Mask naman eh] napabuntong hininga aoo at kinagat ang aking labi.

"Fine!"

[Woki! So bye na Goddess!] napatawa naman ako sa sinabi ni Pau at nag Ayos narin nang sarili ko.

Bumaba na ako at kinuha ang Cellphone ko. Ito lang ang dadalhin ko. Pag labas ko nang Gate ay nakita ko ang isang kulay Pulang Ferarri. What the?!

"Master. Pasok na po kayo" sabi nung Driver pag ka baba niya nang Bintana. Napalunok naman ako at pumasok na. May inabot sakin si Mamang Driver na Maskara. Plain White. "Yan daw po ang gagamitin mo"  hindi ko siya sinagot at tumingin nalang sa bintana.

Geez! Ano pang dadagdag?

HUMINTO kami sa isang malaking Building. APL Company ang nakalagay. Anong ibigsabihin niyan?

Sinuot ko muna ang Maskara at Bumaba nang Ferrari. Kasama ang Driver. Pumasok na kami sa Kompanya. Yumuko ang Guard sakin pati narin ang nadadaanan naming mga Empleyado. Geez. Nakakailang! Siguro na inform na sila na dadating ako dito.

Sumakay sa Elevator at pinindot niya ang 20th floor. Tahimik lang kami hanggang sa nakarating na kami sa Floor na yun..

"Good Afternoon Master. I'm Teresa Paban your Secretary. Nag hihintay na po sila sa Loob" magalang na sabi niya. Tango nalang ang sinagot ko at kinakabahang lumapit sa Conference room.

Whoo! Kakatayin talaga kita Pauleen!

Bumuntong hininga ako para mabawasan ang kabang nararamdaman ko at pumasok sa Loob.

Biglang tumahimik ang nasalubong kong mga nag aaway na mga Investors pero napadako ang tingin ko sa isang matipunong lalaking nakaupo sa isang Swivel Chair habang walang emosyong napatingin sakin.

Chase.

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon