Obsession 13

26.4K 459 25
                                    

Aliana PoV

"Anong nangyayari dito?" walang emosyon kong sabi at umupo sa isang natitirang bakante. Ang gitna. Pilit kong hindi pinapansin si Chase. Dyos ko! Kaya pala nag mamadaling umalis!

"Ms. Lockhart. Nandito kami para mag Invest sa Companya nyo" sabi nang isang lalaking may katandaan. Hehe. Mag iinvest palang pala sila.

"Then?" wala paring emosyon kong sabi. Kailangan kong baguhin ang Boses ko baka Makahalata ang isa jan.

"At alam kong marami nang taong nag invest sa inyo at nasabi narin po nang Secretary nyo na kailangan nyo lang nang isang Investor." Talaga? Madami nang nag invest dito? Wow ah. Hindi narin ako mag tataka kung madaming mag hahabol sa Kompanya nato.. Si Pauleen siguro ang nag handle dito perp bakit nag Trabaho pa siya sa Kompanya nila Chase?

"Ano namang mang yayari kapag tinaggap ko ang Alok nyo? Ano nan ang matatanggap ko?" tanong ko sa kanila.

"Kaya kong protektahan--"

"Oh shut up. Hindi namin kailangan niyan" totoo naman diba?

"I'm willing to Protect your Company more than you think" napatingin kami sa pinanggalingan nang Boses na yun.

"Really? Mr. Hunt?" sabi ko at ngumisi kahit hindi niya nakikita yun. Walang emosyon naman siyang tumingin sakin.

"Yes." sagot nito. Napangiwi ako.

"I accept you Mr. Hunt" sabi ko nalang at lumabas nang Conference Room. Rinig ko pa ang mga Reklamo nila.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Protect my Company? Duh! Hindi naman dahil dun kaya tinggap ko si Chase. I mean ung Offer niya! Malaki din ang Kompanya ni Chase at alam kong malaki ang maitutulong nya sa Kompanya. Diba? Tama ako?

Umalis na kami sa loob nang Company at nakasakay na ako sa Kotse nang nag Ring ang telepono ko. Tumingin ako sa tumatawag at napalunok ako dahil sa nakita ko. Patay!

"H-hello?"

[Pauwi na ko] nanlalaki ang nata kong napatingin kay mamang Driver.

"Ha? Sige. Aantayin kita dito" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko.

[Bye. I....]

"I?"

[I Love you] napatigil ako sa sinabi niya at napangiti.

"Sige na. Hihintayin kita dito! Bye!" eh nahihiya pa akong mag sabi nang I love you too eh! >.<

Oo nga pala!

"Kuya! Pakibilisan naman po oh!" sabi ko kaya tumango siya at pinaharurot ang Kotse.

Nang makarating kami sa bahay ay agad agad akong bumaba at Nag palit nang damit . Wait. Ano pa ba?

Binuksan ko rin ang T.V at kumuha nang Pag kain sa Ref. Binuksan ko ang isang Galloon nang Ice creanlm at itinapon ko ang kalahati nito. Kumuha rin ako nang mga Chichirya at tinapon ang Konti. Kinalat ko ang iba para mag mukang magulo.

Bahagya  ko ring ginulo buhok ko at ginusot ang suot na damit ko. Sumubo ako nang isang Kutsarang Ice cream. Inilabas ko ang Cellphone ko at inilagay sa lamesa pag katapos ay kinuha ko ang Remote. Inilagay ko sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa pinto nang nakita si Chase.

"What the hell?!" sigaw niya nang makita ang kalat. Napalunok ako. Sana hindi ako mabuko! Yari ako neto!

"Oh! Hi!" sabi ko at ngumiti nang pilit.

"Whats with that Mess?" kunot noong sabi niya. At umupo rin sa Sofa.

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon