Obsession 30

22.2K 411 15
                                    

Aliana PoV

"Mahahanap din namin siya Master." nakangising sabi ni Pau habang nakatutok padin sa Computer.

"Siguraduhin mo lang Pauleen! Gagamti talaga ako sa matandang hukluban na yun. Kaasar!" inis na sabi ko. Pag nakita ko lang talaga siya uubusin ko ang bala nang baril ko sa Mataba niyang katawan.

"Uy Strawberry!" napatingin naman ako kay Venus na kasalukuyang nilalabas ang Strawberry sa Ref. Kanjna pa toh kain nang kain ah!

"Wala ka bang kabusugan Venus?" tanong ko rito. Kinusot niya muna ang ilong niya bago sumagot.

"Syempre meron. Ikaw Ate? Wala ka bang kabusugan?" mariin akong napapikit sa inis. Ihahagis ko na talaga ting batang toh eh.

"Haha. Saan mo ba kasi napulot yan?" tanong ni Pau at inikot ang Swivel chair niya paharap sakin.

"Tinulungan niya kaming makatakas kay Alfredo. Nakilala ko siya sa Mall nang mag kabanggaan kami... At alam kong madadamay yang batang yan. Kailangan ko lang siyang protektahan"sabi ko habang nakatingin kay Venus na kumakain nang Strawberry.

"Matapang. Gawin kaya natin siyang Mafia Reaper-- Aw!" daing niya nang agad ko siyang binatukan. Loka lokang toh.

"Hindi pwede. Ayokong matulad siya sakin.. Samin ni Aya na hinahabol na ni kamatayan" bumuntong hininga ako "Kapag natapos ko na si Alfredo tska ko na siya papayagan gumala nang mag isa.. Nag kalat na ngayon ang tauhan nang matandang yun"  sabi ko. Nakaramdam naman ako nang nay yumakap sa likod ko kaya napangiti ako.

"Don't stress yourself baby" sabi niya habang hinahalikhalikan ang leeg ko. Nyeta! Nakikiliti ako.

"Tigil nga Chase!" natatawang sabi ko nang biglang may tumikhim.

"Layas muna ko" sabi ni Pau at tumayo na sa Swivel Chair. Lumapit siya kay Venus. "Hoy bata. Umalis muna tayo"

"Ayaawwwww!!!" hiyaw ni Venus habang nakakapit sa lamesa. Hinihila kasi siya ni Pauleen.

"Halikana!!" gigil na sabi ni Pau.

"Ayaw! Umalis ka mag isa mo! Dinamay mo pa akong impakta ka! Panget!"

"Aba! Sinong panget!"

"Kasasabi ko lang diba?! Ikaw ang panget!"

"Hindi ako panget!"

"Panget ka!"

"Pwes mas panget ka naman!"

"Ate aliana oh!"

"Weeh!! Sumbungera."

"Lul!"

"Gumalang ka nga!"

"Pabugbog kita kay Berna eh!"

"STOP!" napahinto sila nang sumigaw si Chase. Ako naman napapikit. Ang lapit niya kaya sakin. Sakit sa tenga.
"Out" utos ni Chase kaya hinablot ni Venus ang Strawberry at nag martsa palabas kasunod ni Pau. Napailing nalang ako.

Pinaharap naman ako ni Chase sa kanya at pinudpod nang halik ang buong muka ko.

"Let me handle that Old man Please? Kaya ko namang gawin yun." mahina niyang sabi at niyakap ako. Napangiti naman ako.

"Edi tayong dalawang gagawa.. Sabay natin siyang patumbahin." nag angat siya nang tingin sakin at sumimangot.

"But i don't want you to get Hurt..." natawa ako sa sinabi niya at mahina siyang binatukan. "Aw."

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon