Obsession 28

21K 387 7
                                    

AlianaPoV


"JOKE LANG! Eto naman hindi na mabiro" pilit tawa kong sabi sa kanya at bumitaw sa pag kakayakap. Kumain ulit ako nang Ice Cream.

Ho! Shet! Kakatakot!

Bigla naman niya akong hinila at niyakap kaya nahulog ang ice cream na isusubo ko sana..

"Bwisit" inis na sabi ko at muling sanang susubo pero lalo pa akong niyakap ni Chase kaya nahulog nanaman ang Ice Cream. Nanlaki ang butas nang ilong ko at parang anytime may lalabas na usok dun. Kalma lang! Kalma.

Muli akong sumandok at akmang susubo nang isubo ni Chase hun kaya naiwan akong nakanganga habang nakatingin sa Kutsarang walang laman. Tumingin ako sa lalagyanan nang Ice Cream. Wala na.

"Argh! Bwisit kaaaa!!!" pinag hahampas ko sa kanya ang lalagyan nang Ice Cream. How dare he?!

"Aw! S-stop! Ah!" daing niya pero hindi ako huminto.

"Hayup ka! Napakasama mo! Napakasama mo! Hayup ka talaga!" paulit ulit kong sigaw. Napatigil lang ako sa pag hampas sa kanya nang mag ring ang phone ko.

Inis ko yung hinablot.

"Ano?!" sigaw ko sa kabilang linya habang masama paring nakatingin kay Chase na hinihimas ang ulo niya. Buti nga!

[S-si Aya.] napakunot ang noo ko at kumalma nang marinig ko ang kinakabahang boses ni Pau.

"Bakit?"

[K-kanina. M-may dumukot sa kanya Aliana. H-hindi ko siya nailigtas. Aliana.] natulala ako at agad na nilukob nang kaba ang dibdib ko.

"Alam mo kung kaninong Van iyon? May nakita kabang Tattoo o palatandaan man lang kung sino ang may gawa o grupo?"

[N-nakita ko ang tattoo sa isang lalaki yun ay ang tattoo nang Greor Mafia. Mukang nalaman na nila ang tungkol sa pag k-katao mo] humigpit ang hawak ko sa Cellphone at napatingin kay Chase. Nag tataka siyang nakatingin sakin.

Namatay ang tawag pero hindi nag tagal ay nag ring ulit ito. Unknown Number. Agad kong sinagot ang tawag.

[Kamusta. Dalaga ka na Aliana] umigting ang panga ko nang marinig ang Boses niya. Alfredo. Ang pinuno nang Greor Mafia.

"Nasan ang kapatid ko?" madiing sabi ko sa kanya pero isang mala demonyong tawa lang ang isinagot niya sakin.

[Puntahan mo ko sa abandunadong gusali kung saan minsan na tayong nagkita noong maliit ka pa] bwisit!

"Papatayin talaga kita Alfredo!"

[Oh come on Dear. Nasaakin ang Alas mo. Si Aya. Dalaga narin siya. Pwede nang tikman]

"Puta ka Alfredo! Galawin mo lang ni isang Hibla nang buhok nang kapatid ko ibabaon ko ang bala sa bungo mo!" gigil na sabi ko.

[Gusto mo siyang kausapin? Eto siya oh............... A-ate. Wag kang pupunta dito. A-ayos lang ako ate. Wag kang pupunta dito]

"Shh. Aya. Makinig ka. Ililigtas ka ni Ate ha. Papunta na ko" sabi ko habang nag susuot nang combat Boots. naka Leggings naman ako at T-shirt

Lumapit ako sa Sofa at inalis ang Kutson duon. Tumambad sakin ang iba't ibang tatak nang baril. Kumuha ako nang apat at inilagay ang dalawa sa Boots ko. Ang baril ko talaga na nakapangalan sakin.

Inilagay ko naman ang isa sa tagiliran ko at hinawakan ko naman ang isa.

[N-no ate! Don't!] narinig ko ang iyak ni Aya sa kabilang telepono. Siya nalang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko na siya hahayaang mawala pa.

"What the hell Aliana?!" napatingin ako kay Chase na gulat na nakatingin sakin.

[Pumunta ka na dito Aliana. Bago pa mahuli ang lahat]

*toot* *toot* *toot*

Humigpit ang hawak ko sa telepono dahilan para mag Crack ito. Nanatili lang akong nakatingin kay Chase.

"Tska na tayo nag usap" walang emosyon kong sabi bago agarang lumabas. Ramdam kong nakasunod sakin si Chase pero hindi ko pinansin.

"Where are you going Aliana?!" sigaw niya sakin. Kinuha ko ang Nakasabit na susi nang Motor at sumakay duon.

"Ililigtas ko ang kapatid ko Chase" nag Crack ang boses ko kaya napalunok ako.

Agad ko itong pinaandar at sakto namang binuksan nang Guard ang Gate. Rinig ko pa ang tawag sakin ni Chase pero hindi ko na pinansin. Konakabahan ako, Natatakot ako para sa kapatid ko.

Mabilis akong nakarating sa abandunadong Gusali na ako lang ang mag isa.. Tahimik ang lugar.

Bumaba ako sa sasakyan at inilibot ang tingin sa paligid. Humakbang na ako papasok sa Gusali. Bahala na. Kung ano man ang mangyari.

"Uy ate?!" napatingin ako sa gilid at nakita ko si Venus! Inosente siyang nakatingin sakin.

"What the hell are you doing here?!" halos pasigaw kong sabi sa kanya. Ngumuso ito at kinamot ang pisngi niya.

"Alam mo kasi Ate kaya ako napunta dito ay may tinakbuhan ako. Alam mo na ung nga Babae uli. Sinuntok ko nanaman kasi ung Hearttrob pero iba na sa una! Nahimatay na siya. Kaya ako? Run lang ako nang Run hanggang sa mapunta ako dito sa gusaling Malapit nang mamatay.. Alam mo ate mahilig akong mag kwento nang kung ano anong bagay at pag nag kukwento ako dapat makikinig ka at pag makikinig ka ay dapat maalala mo ang mga sasabihin ko dahil mag tatanong ako sayo. At pag nag tanong ako sayo syempre sasagutin mo at ayun na nga. Nag run ako ng nag run dahil sinuntok ko ang--"

"Shut up! Ang daldal mo!" inis kong hinilot ang noo ko. Kaasar naman. "Umalis ka na dito. Mapanganib dito." kumamot siya nang ulo kaya nadako ang tingin ko sa kamay niya. Bakit siya may baril?! "Bitawan mo yang baril na hawak mo" madiing sabi ko kaya napatingin siua sa hawak niya. Ngumiti lang siya nang malaki.

"Hindi ito totoong baril! Nang holdap kasi ako eh!" hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Syempre joke lang yun. Sa Science namin ito. Kailangan nang bagong imbensyon. Sayang nga at hindi ako nanalo eh. Hindi naman ito nakakasakit pero mahapdi pag tumama ang bala nito sa katawan mo. Kaya daig mo pa ang binaril. Pero hindi padin siya nakakasakit. Beng beng!" nag Gesture pa siya na bumabaril. "At sinubukan ko na din ito sa kaklase ko na mukang Taeng tinubuan ng kamay at Paa. Hindi naman ako napunta sa Guindance dahil siya ang unang nang away sakin at tska malakas rin ang kapit ko sa Principal naming may panot sa ulo. Alam mo ba yung gitnang ulo niya ang panot? at napapaligiran lang nang buhok ay yung gilid nang ulo niya. Nag muka tuloy Saturn ang ulo niya. Tska alam mo ba ate--"

"Oo na Oo na! Umalis ka nalang" lintik sumasakit ang ulo ko dito. Ang daldal.

"Ay oo nga pala ate. Nakita ko yung kapatid mo na ipinasok sa loob. Nag wawala. Gagahasain siguro." humawak pa siya sa baba niya na parang nag iisip. Napahinto naman ako. Ang kapatid ko!

"Umalis ka na Venus" sabi ko at dali daling pumasok sa loob nang Gusali.

Napahinto ako sa pag takbo nang makita ko si Aya. Naka tali ito sa isang upuan at may Tape sa bunganga niya. Nag dudugo din ang noo niya jaya umigting ang panga ko. Tumingin siya sakin at sunod sunod na umiling.

Bigla namang nanlaki ang mata niya kasabay nang pag hampas nang matigas na bagay sakin.

"Nahuli ka sa patibong ko Aliana." huling salitang narinig ko bago ako tuluyang mawalan nang malay.

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon