Obsession 33

19.1K 353 18
                                    

Aliana PoV

"Oy! Sino kang lalaki ka?!"

"Ikaw si Aliana tama ba?"

"Ako nga! Anong kailangan mo?!"

"Ako si Jake."

"ALIANA!"

"Papa?"

"Wag kang lalapit sa kanya!"

"Why?"

"He is Physcopath.."

  Hinihingal akong napabangon sa kama at hinawakan ang ulo ko. Nakakainis! Ilang araw ko ng napapaginipan yun. Kinuha ko ang tubig sa side table ko at uminom.

Hinawakan ko ang tiyan kong malaki na. Ilang araw nalang lalabas na si Baby. Excited na ko.. Kaso lang si Chase.. Mukang hindi ako mapupuntahan.

Bigla akong nalungkot sa naisip ko. Gusto ko kasi sa pag labas ng anak namin ay kasama ko siya.

*Ringggg!*

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong alas singko palang ng hapon. Sino kaya ang tumatawag na to?

"Hello?"

[Aliana!.] nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses niya. Medyo paos at hinihingal.

"Pauleen?!" gulat na sabi ko. Hindi ko alam ang balita sa kanya dahil si Chase ang gumagawa ng paraan para makita siya.

Hindi ko rin alam kung ano ang plani niya dahil sa tuwing pinag uusapan samin ang tungkol duon ay iniiwasan niya yun.

[Umalis ka na jan Aliana. Alam niya na kung nasaan ka!] bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pag putok ng baril sa kabilang linya.

"Ayos ka lang Pau?"

[Yes. Umalis ka nalang jan bago ka pa niya maabutan] mabilis kong kinuha ang maleta habang hindi parin pinapatay ang tawag.

"Where are you?" tanong ko.

[Papalabas na ako sa mansyon niya.]

"Tatawagan ko na ba si Chase?"

[Better]

"Ibababa ko na ang tawag. Mag iingat ka." sabi ko bago ilagay ang mga damit sa Maleta. Kinuha ko narin ang damit ni Aya.

Mabilis ko yung sinara at kinuha ang Pistol sa Ilalim ng kama ko. In case of emergency.

Pumunya ako sa Kwarto ni Aya at mabilis na kinatok toh.

"Aya? Nanjan ka ba?"

"Opo! Wait! Nag bibihis ako eh!"

"Bilisan mo Ayanie! Kailangan na nating umalis!" nag mamadaling sabi ko. Bumukas naman ang pinto. Kunot noong tumungin sakin si Aya.

"Anong nangyayari?" takang tanong niya at kumuha ng baril sa Drawer.

"Si Jake. Nahanap niya tayo" sabi ko at huminga ng malalim. "Kailangan na nating umalis dito. Si Ninang?"

"Umalis. pupunta muna daw sa kapatid niya. Sa susunod na araw pa darating." sabi niya at itinali ang buhok niya.

Kinuha ko abg Cellphone ko at tinawagan si Chase.

[Baby?]

"Chase. Alam na niya kung nasaan ako." kinakabahang sabi ko. Hindi naman talaga ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa anak namin.

[Pupunta na ko. Wait me.] namatay ang tawag at lumingon naman ako kay Ayanie.

*BLAG!*

Sabay kaming napatingin sa pinto ng may pumasok duon na mga lalaking nakaitim. Agad kong itinulak si Aya sa kwarto niya at nag tago kami sa Aparador.

"Walang tao dito." rinig kong sabi ng isang lalaki. Hinigpitan ko ang hawak sa baril ko.

"Antayin natin si Chase." mahinang sabi ko. Ilang minuto ang lumipas ay napatakip ako ng tenga dahil sa sunod sunod na barilan.

"BULAGA!" sabay kaming napatili ni Aya ng lumitaw si Venus na malawak ang ngiti sa labi. Teka?! Bakit nandito ang batang toh? "Anong kailangan? Mag tulungan! Anong kailangan? Mag tulungan! Goo Wanderpits!" sabi niya at humagikgik. Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya.

Seryoso? Sa gitna nito nagawa niya pang tumawa? Tao ba siya?

"Let's go na po." aniya at kinasa ang hawak niyang baril. I think yun din ang ginamit niya nung araw na na kidnap si Aya.

Nasan si Chase? Bakit siya lang ang nandito?

"Hala!" agad na hinarang ni Venus ang kamay niya sa dibdib namin kaya napaatras kami. Naiwasan din namin ang balang papalapit samin.

Shit! Ang hirap gumalaw!

Pinaputukan niya ang lalaki at muling kinasa ang baril.

"Malapit na tayo kina Kuya Chase" aniya at nag patuloy sa pag lalakad. Tumulong narin kami sa pag baril ng mga lalaking kalaban na humaharang samin.

"Ahh!" napatingin ako kay Venus na may tama sa Balikat.

"Venus!" sigaw ko at nilapitan siya. Nakanguso ang labi niya at nangingilid ang mga luha niya.

"Ang sakit! Uwaaaa!" napatakip ako ng tenga ng pumalahaw siya ng iyak. Grabe naman toh.

Pinunit ko ang suot niyang sleeve at ngayon ko lang napansin na naka Uniform pala siya. Napailing nalang ako bago itali yun sa Braso niya.

"Masakit parin" aniya habang humihikbi.

"Ang kulit kasi" ani ni Ayanie bago tulungan makatayo si Venus.

"Hindi kaya!" aniya at tinutukan ng baril si Ayanie. Balak ko sana siyang bigilan ng malagpasan si Ayanie ng bala. Sumapol sa noo ng lalaki sa likod ni Aya. "Pasalamat kayo dahil may Chocolate ako kay Kuya Chase pagkatapos nito." sabi niya at ngumti ng matamis.

Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa makita namin si Jake na nakangisi. Bigla namang lumabas ang hinihingal na si Pauleen. Nagulat ako sa itsura niya. Ang dami niyang galos at sugat. Magulo ang buhok niya at punit punit ang damit niya.

"Subukan mong lumapit sa kanila Jake." madiing sabi ni Pauleen habang nakatutok ang baril kay Jake. Hindi niya siya nilingon at nanatiling nakatingin sakin.

"You are so beautiful Aliana." nakangiting sabi niya. Bigla nama g sumeryoso ang muka niya. "But sad to say. Mamamatay ka ngayon mismo" aniya at mabilis na binaril ang hita ni Pauleen dahilan para mapaluhod siya at tila bumagal ang pag kalabit niya ng gantilyo hanggang sa pag labas ng bala ng baril.

Napapikit nalang ako ng may maramdaman kong may humakap sakin.

Unti unti kong idinilat ito at napatulala ako kung sino ang nasa harap ko. No. Hindi pwede.

"AYANIE!"


---

Vote & Comment.

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon