Obsession 19

23.4K 442 4
                                    

Aliana PoV
Im here at the Tricycle at hinihintay na lang na dumaan ang Sasakyang toh sa bahay.

Yup! Nag disgarge na ako matapos ang tatlong araw. Maaga akong pumunta at syempre! Hindi ko parin nakakalimutan ung Regalo niya!

And kasama ko rin sa Paupau or should i say Pau na lang. Masyado na kaming matanda para jan. Haha.

"Para na po" sabi ko kay Manong kaya huminto siya sa tapat nang isang Maliit na bahay. Kinuha ko na ang nga gamit namin at bumaba narin si Pau.

"Keep the change na po kuya" rinig kong sabi ni Pau kaya napailing ako.

Bumaba ako sa hagdan sa gilid nang bahay para pumunta sa Taniman. Pero iba ang nadatnan ko.

Nakita ko si Aya na may hawak na kutsilyo at pawis na pawis. Nakasando lang siya at naka Jogging pants.

Tumigil siya sa kakaiwaswas nang Kutsilyo at bumuntong hininga. Muli nanaman siyang pumorma na parang lalaban at sunod sunod na umatake sa hangin.

Teka?! ANONG . GINAGAGAWA . NIYA?!

"Aya" agad naman napatigil sa aya at napatingin samin. Agad nanlaki ang nata niya at itinapon ang Kutsilyong hawak.

"H-hehe. Hi Ate! Nakarating na pala kayo" sabi niya at ngumiti pero alam kong Pilit yun!

"What are you doing?" seryosong dabi ko at nakita ko ang pag lunok niya.

"Ate! Huhu! Sorry na dahil hindi ko sinabi sayo! Sabi kasi ni Ate Pauleen na wag ko munang sabihin sayo hanggat hindi ka nakakaalala eh" nakangusong sabi niya kaya nanlaki ang mata. Lumingon ako kay Pauleen na nakatingin sa nalayo at sumisipol sipol.

"Pauleen" mariin kong tawag sa kanya.

"Oh. Pasok na tayo?" nakangiting sabi niya ay dali dali pumasok.

Akmang papasok din si Aya nang tignan ko siya nang masama.

"Explain."


".....AT duon ay pumayag akong matuto nang Martial arts at pag gamit nang iba't ibang armas" nakayukong sabi niya.

Nalaman ko na nalaman ni Aya ang Tungkol sa Mafia dahil kay Pauleen. Pumunta rin siya dito at sinabi ang lahat sa kanua. Una hindi siya naniwala pero kalaunan ay naniwala din. Hindi nila sinabi sakin yun!

"Ate. Sorry na talaga!" sabi ni Aya at nag puppy eyes.

"Oo nga! Sorry na Paige" ani ni Pauleen at nag puppy eyes din. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"Nasan si Ninang?" tanong ko kay Aya.

"Namamalengke pa! Lagi nalang siyang ganun. Ang tagal umuwi" aniya at napahawak nang Chan. "Gutom na gutom na ko"

"AYA!! Ano gusto mong luto sa talong?! Torta o--- Ay Kabayo!" ani ni Ninang nang makapasok siya sa bahay. Gulat siyang napatingin samin. "Aliana! Ang laki laki muna! Kamusta ka na?!" bulalas ni Ninang at hinawakan ako sa mag kabilang braso. Napakamot naman ako nang Ulo.

"Ayos lang po ako Nang.." sagot ko at napatingin naman siya kay Pau.

"Oh? Nandito ka rin?" gulat na sabi ni Ninang. Napakunot naman ang noo ko.

"Kilala nyo ho siya?"

"Oo naman! Siya minsan ang tumutulong sakin sa pag titinda nang Suman kapag lumuluwas siya dito." ani ni Ninang at ngumiti. Tumingin naman ako kay Pau at nag Peace sign lang siya sakin.

"Naaaaaanggg!! Gutom na akesh!" sabi ni aya at nag unat. Napatingin naman ako sa katawan niya.

"Himala aya! Nag karuon ka na nang Bundok at kumurba ang Bewang mo!" natatawang sabi ko kaya bigla siyang namula at tinakpan ang dibdib niya..

"Ate naman eh!" tinawanan lang namin siya.


SUMAPIT ang gabi ay lumabas ako. Tulog na ang Tatlo at hindi parin ako nakatulog.

Umupo ako sa isang Upuan kung saan makikita mo ang lawak nang bukirin at ang mga buwan at bituin sa langin.

Suminghap ako nang malamig na hangin at tumingin sa paligid. Na mimiss ko siya..

Namimiss ko na yung Ngiti niya. Ung pag lalambing niya yung Tawa niya. Nakaka Miss sa kanya lahat.

Pero kailangan ko nunang tapusin si Scarlet at patumbahin ang Mafia nila.

Wait what?! Did i say that?!

Oh my ghad Aliana! Wala ka pang masyadong naaalala k'?

Sumandal ako sa upuan at tumingala. Lahat nga pala nang saya may kapalit na lungkot. Lahat nang saya may kapalit na sakit. Hindi ba pwedeng Masaya at Masaya nalang talaga?

Pumikit ako at dinamdam ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.

'Nay , Iniwan mo kong naguguluhan , Iniwan mo kong walang maalala sa nakaraan sana naman ay ipinaliwanag mo sakin nang Buo at malinaw para hindi na ako malito. Nalilito ako dahil hindi ko alam kung anong buhay ang pipiliin ko. Ang buhay nang isang Mafia Boss o ang Buhay nang isang Simpleng babaeng nag mahal sa isang Mafia Boss? '

Napatawa nalang ako sa naisip ko. Ganun din yun. Hahabulin ka parin ni Kamatayan. Wala na ata akong Ligtas.

"Ate. Gising ka pa?" napatingin ako sa likod at nakita ko si Aya na may balabal sa katawan.

"Oh? Hindi ka pa natutulog" at umusog nang konti para nakaupo siya. Umupo naman siya dun at ngumiti sakin.

"Alam kong naguguluhan ka Ate pero kung nakatadhana talaga sayo ang isang bagay ay maalala mo toh kahit hindi mo pwersahin o pilitin na alalahanin." napangiti naman ako sa sinabi niya at inakbayan siya.

"Kaya naman ni Ate ang lahat nang toh. Pero ayokong magaya ka sakin. Gusto ko para sayo ay isang Simpleng buhay.. Walang gulo na hahabol sayo" sabi ko sa kanya. Napahagikgik naman siya at niyakap ako patagilid.

"Bakit pa? I'm a Mafia Boss Sister. Tska isa pa hindi ko po pababayaan an gsarili ko at mas lalo namang hindi mo ako pababayaan diba Ate?" sabi niya at nag angat ang tingin. Hinalikan ko siya sa noo.

"Syempre naman. At tska ilang araw nalang Kinse ka na." natatawang sabi ko kaya napasimangot siya.

"Eh bakit ka tumatawa?"

"Kasi tatanda ka na.. Dalaga na talaga ang kapatid ko!" sabi ko at mahigpit siyang niyakap.

"May Boyfriend ka na ba ate?" napatigil ako sa tanong niya.

"Meron..."

"Talaga? Sino?!" excited na sabi nuya. Napabuntong hininga naman ako.
Wala rin namang patutunguhan kung mag sisinungaling ako eh.

Ikinuwento ko sa kanya lahat hanggang duon sa nalaman kong Binlack Mail siya ni Scarlet.

"Aba'y malandi naman pala yun eh!" inis na singhal niya natapos kong nag kwento. Napatawa naman ako at tumayo.

"Halika na. Mag gagabi na" sabi ko. Tumayo rin naman siya at pumasok na kami sa bahay.

Si Chase? Babalikan ko siya. Kapag naalala ko na ang lahat at kapag nailigpit ko na ang dapat iligpit.





---

Vote & Comment

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon