Obsession 29

20.7K 407 14
                                    


Aliana PoV

   Nagising ako sa ilaw na tumatama sa muka ko. Ano bang-- nadako ang tingin ko kay Aya na nakatingin sakin na nag aalala habang may Tape padin sa Bibig niya. Iniling ko ang ulo kong medyo nahihilo. Kaasar!

"Gising ka na pala" masama akong tumingin kay Alfredo at balak sana siyang sigawan pero naramdaman ko ang Tape sa bunganga ko. "Ang ganda ganda mo na"

"Hmmp!!" 'ang panget mo naman!' yan sana ang gusto kong isigaw sa kanya eh.

"Gusto mong mag salita?" nakangiting sabi niya at lumapit sa kapatid ko. Marahas niyang tinaggal ang Tape sa bibig ni Aya ganun din saakin. Napadaing naman ako sa hapdi.

"Makawala lang talaga ako dito Alfredo" madiing sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Makakalaya ka naman talaga dito eh.. Kapag patay ka na" malademonyo itong tumayo kaya umigting ang panga ko.

Tumunog ang Telepono niya ay may kinausapm tumingin naman ako Kay Aya.

"A-ate" mahinang sabi niya. Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.

"Aalis muna ako. Bantayan niyo ang dalawang yan" utos ni Alfredo sa mga tauhan niya.

Mariin naman akong napapikit at iniisip kung anong pwedeng gawin para makatakas ako dito.

'Ayan! Sugod pa Aliana ha! Wala kang plano Bruha ka!'

Pinilit ko nalang na tanggalin ang tali sa kamay ko pero masyadong mahigpit. Kaasar talaga!!!

"Bwisit!" inis na sabi ko. Tumingin ako dalawang lalaking nag babantay. Ang lalaki nang katawan. Tch. Dyan magaling si Alfredo. Mag tago sa likod nang tauhan niya.

Napakurap naman ako nang biglang napahiga ang isa ganun din ang nangyari sa pangalawa. Anong--

"Ay Kaloka!" napatingin ako sa bagong dating at nakita ko si Venus na nag kakamot nang ulo. Tumingin siya sakin at malawak na nguniti. "Astig ko noh?" sabi niya at kinuha ang Kutsilyo sa isang lalaki. Una niyang tinggal ang pag kakatali sakin sumunod kay Aya.

Teka?? Bakit ba siya nandito?

"Mapanganib dito Venus! Ano bang ginagaws mo dito?" gulat na sabi ko. Napakurap naman siya nang ilang beses at tumingala kaya napatingala rin kaming dalawa ni Aya pero kisame lang naman ang nakikita ko.

Tumingin ulit ako sakanya na nakatingin parin sa kisame. Baliw ba siya?

"Ahh. Ewan ko rin kung bakit ako nandito eh." sabi niya at kumamot nang binti.
Tumingin ako sa lalaking nakabulagta at nakita ko ang parang karayom sa leeg nito.

"Saan mo nakuha yun?" tanong ko sabay turo dun sa Parang karayom.

"Ah! Bala din siya nang inembento kong baril. Ang galing ko talaga noh? Alam mo bang nag pakahirap akong gawin yan at kung paano malalagyan nang pang pantulog ang Karayo--"

"Ok na! Napakadaldal mo talaga" iiling iling na sabi ko at hinawakan sa kamay si Aya.

"Ayos ka lang?" tanong ko at kinapa ang Boots ko. Mukang hindi nila nakuha ang baril ko dito. Iniabot ko sa kanya ang isa.

"Ayos lang ako" sagot niya at kinasa ang baril. Tumingin naman ako kay Venus na kasalukuyang nangungulangot. Dugyot.

"Tara na. Kailangan na nating makaalis dito" sabi ko at mabilis na nag lakad. Sumunod naman sila sakin.

Nag tago kami sa ding ding nang makita namin ang sampung lalaki na mau dalang Armas.

"Ready na kayo?" tumango si Aya pero si Venus ay kumakain nang tinapay. Seriously? Saan niya nakuha yan?

"Gusto mo?" sabi niya habang punong puno nang tinapay ang bibig niya. Napailing nalang ako.

"Pag kabilang ko nang tatlo--"

"Mag tatago na kami?" excited na sabi ni Venus. Napatampal naman nang noo si Aya.

"Patapusin mo muna ako pwede?" napanguso siya at kumagat sa tinapay. "Pag kabilang ko nang tatlo ay babarulin natin ang mga lalaking yun" tumamgo silang dalawa jaya nag Focus na ako sa harapan.

"Isa... Dalawa... --" napanganga ako nang hindi pa nakakatatlo ay sumugod na agad si Venus. Parang wala lang na binabaril niya ang mga lalaki na agad namang natumba.

Panira nang Action momment itong batang toh.

Napailing nalang kami ni Aya at nag patuloy na kami sa pag lalakad.

"Ayun sila!" napatingin ako sa likod at agad nag tago sa pader nang paputukan nila kami. Tumango ako kay Aya at sabay naming binaril ang Tatlong lalaki.

"Lah! Totoo ang baril niyo?" tanong ni Venus samin matapos naming mapatumba ang tatlo. Tumango nalang kami sa kanya. "Ay ganun?"

Nang makalabas kami nang Building ay sumalubong sakin ang mga patay na tao. Teka? Diba pang patulog lang ang baril ni Venus? Bakit may dugo sila?

"Si Kuyang Pogi oh" napatingin naman ako sa sinasabi ni Venus at napalunok.  Patay.

Walang emosyong nag lalakad papunta samin si Chase habang may hawak na baril.  Tumingin naman si Chase sakin kaua napayuko ako at nilaro ang daliri ko. Lagot ako sa kanya.

Sa isang iglap. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa Bisig ni Chase.

"Fuck! You made me worry" aniya. Mas lalo ko pang sinubsob ang Muka ko sa dibdib ni Chase.

"Sorry Chase... Sorry"






"DO YOU WANT TO EAT?" nakangiting tumingin ako kay Chase at umiling.  Bumuntong hininga naman siya at umupo sa tabi ko.

Nasa Mansyon na si Aya na kasalukuyang nag papagaling at ako? Magaling na. Konti lang naman ang natamo kong sugat.

At kung tinatanong niyo kung nasaan si Venus....

"Ang Sharao! Ang Shaming Ashkim!" kinakain niya ang Ice Cream ko sa Ref. Pati ang Cake.

Dito ko muna siya pinatuloy at nalaman kong Working Student lang siya. Nangungupahan lang at walang nang mga magulang. Di ko nga alam kung saan pinag lihi itong babaeng toh. Ang Daldal at napakatakaw.

Umupo siya sa harap namin habang kumakain nang Ice Cream. Nakayakap ako kay Chase habang tinitignan lang siya. Feel at Home talaga siya.

"Ang swerte ni Kuya sayo Ate" sabi niya na nag pataas ng dalawang kilay ko.
"Ay mali! Ang swerte niyo sa isa't isa! Paniguradong pag nag kaanak kayo magiging masaya kayong pamilya" namula ako sa sinabi niya at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Chase kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aw" mahinang daing niya. Tumingin ulit ako kay Venus na dahan dahan nalang ngumunguya.

"Pangarap kong Maging Ina. Wala akong Mama at Papa. Kaya sa magiging anak ko aalagaan ko sila nang mabuti." muling bumalik ang sigla niya at malaking ngumiti. "Ang sarap talaga nang Pag kain niyo dito!"

Hanga din ako sa batang toh. Hindi niya dapat nararanasan ang mga ganitong bagay dapat kasama niya pa ang pamilya niya.. Matalino siya at Mabait kaso Matigas ang ulo at Madaldal.







---

Vote & Comment

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon