Kabanata 1

410 21 0
                                    

"Maayos naman ang lagay niya. Marahil dahil lamang sa kapaguran kaya muli siyang nahimatay." narinig kong sabi ng isang matanda

"Ngunit pangalawang beses na ito!"dahilan ng isang pamilyar na boses

Nakapikit ako at natatakot na magmulat muli. Naalala ko ang mga narinig ko mula kay Ricardo. Kung hindi ako nagkakamali, nasa ibang panahon ako. Hindi ito ang kasalukuyan bagkus ito ang nakaraan? Tama ba? Ngunit nakaraan nino? Wala akong nalalaman sa pamilya namin na may pangalang Divina, o kahit sa aming mga ninuno, lalo na ang apelyidong Dela Montejo. Malayo sa apelyido naming Mendoza.

"Ngunit wala akong nakikitang sensyales na siya ay may malubhang sakit. Kailangan niya lamang magpahinga. Marahil hindi sapat ang kanyang naipong lakas at masyado niya itong sinamantala."naputol ang aking pag-iisip nang marinig ang sagot nang sa tingin ko ay mangagamot

"Naiintindihan ko. Wala ka bang maaaring ibigay na karampatang lunas upang mapadali ang kanyang pagbabawi ng lakas. "

"Tanging ang mga bitamina lamang ang mairereseta ko sa kanya."

"Naiintindihan ko. Maraming salamat sa iyong oras."

"Walang anuman Don Teodorico. Ipagpaumanhin mo ngunit kailangan ko nang umalis."

"Laura, ihatid mo ang mangagamot palabas."narinig kong utos ng aking ama

Naramdaman kong lumabas na ang manggagamot, katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

"Hindi ko alam kung bakit hindi nagpaalam si Divina na siya'y aalis. Lubha akong nababahala sa kanyang iniisip. Paano na lamang kung may nangyari sa kanya kanina?"inis na sabi ng aking ama

Patay! Paano na lang kapag tinanong niya ako! Anong isasagot ko?

"Teodorico, huminahon ka. Wala namang nangyaring masama dahil nakita siya ng Ginoong Ricardo."

"Hindi ko batid kung bakit sa dinami-rami ng maaaring makakita at makatulong sa kanya, mula pa ito sa pamilyang Del Real."

"Pakiusap Teodorico, maaari bang huwag mo munang pairalin ang iyong emosyon. Nagmagandang loob ang Ginoo upang tulungan ang ating anak. Sana ay maintindihan mo."

Anong problema kay Ricardo? Oo, totoong inis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan ngunit sa tingin ko naman ay mabuti siyang tao.

"Marianna, may nalalaman ka bang problema ni Divina?"biglang tanong ng kausap

Marami, daddy! Hindi ko mabilang. Nasaan ba ako? Ano 'yung San Martin? Pilipinas pa ba ito? Bakit ganyan kayo magsalita? Nakalunok ba kayo ng diksyunaryong Pilipino?

"Walang siyang nababanggit sa akin. Kung maaari sana Teodorico ay hayaan mo muna si Divina at iwasan mo muna siyang tanungin ng mga bagay bagay kapag siya ay nagising. Sa aking palagay ay hindi makakabuti sa kanya iyon."pakiusap ng babae

"Tama ka."pagsang-ayon nito

Heto na ang panahon para buksan ang mga mata ko. Ligtas na ako sa interrogation. Wala rin akong maisasagot sa inyo, dahil kahit ako walang alam sa nangyayari sa akin.

Dahan-dahan akong nagmulat at nakita ang dalawa taong nakatalikod mula sa paanan ng aking kama habang nag-uusap.

Napatingin sa akin ang babae at nakita ko nang buo ang kanyang mukha! Hindi ko mapigilang manlaki ang mata dahil sa nakita. Siya nga si mommy! Ganyang-ganyan ang mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali, dahil kahit nasa sinaunang panahon ako, natatandaan ko pa naman ang lahat ng tungkol sa akin sa kasalukuyan.

Lihim ng KahaponWhere stories live. Discover now