Kabanata 5

301 20 2
                                    



"P-po?"

Hindi ako makasagot lalo pa at nakikita ko ang palihim na pagngiti ni Ricardo.

"Teodorico, anong ibig mong sabihin? Pinagdududahan mo ba ang ating anak?"sabat naman ni ina

Kahit kailan talaga kakampi ko si Mommy! Siguro dati ay katulad ko in siya na malihim. Tumawa ako sa naisip. Pero syempre sa isip lang, alangan namang tumawa talaga ako, lagot ako kay daddy!

"Hindi naman sa ganoon, Mariana. Nagtatanong lamang ako."tugon ni ama

"Teodorico, may hardin tayo na may tanim na mirasol at kung sakali naman na may maghandog ng bulaklak sa ating anak, sa aking palagay ay tama lamang iyon dahil maganda si Divina. Hindi rin naman ito ang unang beses na siya ay nakatanggap ng bulaklak."

Hindi ito ang unang beses kong nakatanggap ng bulaklak? Kung ganoon? Kanino ang mga iyon galing? Alam kong maganda ako, este si Divina, pero ako parin 'yun ah, lasi mukha ko ito. Basta marahil maraming nanligaw kay Divina noon o nagbibigay sa kanya ng bulaklak, hinaharangan lamang siguro ni ama. Naks! Habulin si ate mong girl!

"Alam ko. Ngunit kung sakali man Divina. Ipagbigay alam mo sa akin ang nagbibigay sayo. Hindi ko lang nais na ika'y mapahamak anak."

"Opo, ama."sagot ko na lang

Napahinga na ako nang malalim nang tinigilan na ako ni ama sa pagtatanong.

Natapos din. Thank you talaga, mommy! The best ka talaga! Dahil sayo, maaaring hindi ako maging matandang dalaga sa panahon na ito!

Natapos ang pag-uusap at pinaakyat na ako ni ama at ina upang magpahinga, ngunit tumanggi naman ako dahil sa masyado pang maaga para ako ay matulog. Sinabi ko munang lalabas muna ako at pupunta sa may hardin upang magpahangin. Pinayagan naman ako ni ama at ina.

"Hindi magandang nag-iisa, Binibini."

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay umuwi ka na?"

"Sa aking palagay, tanging ang iyong ama lamang ang may karapatan magsabi niyandahil siya ang nag-imbita sa akin rito."

"Baka makita tayo ni ama."pigil ko sa kanya

"Nag-uusap lamang tayo Binibini. Wala akong ginagawang masama kaya wala akong dapat ikatakot."paliwanag niya

"Ayaw sayo ni ama."saad ko

"Hindi naman bago 'yun. Ayaw mo rin naman sa akin, kaya sanay na akong hindi magustuhan ng pamilyang Dela Montejo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sinong may sabing ayaw ko sa kanya? Kelan ko sinabi 'yun?

"Bakit Binibini?"

"Wala akong sinabing ayaw ko sayo."

"Kung ganoon ay gusto mo ako?"tanong niya sa akin

Muntik na akong mapaubo sa sinabi niya. Hindi maganda ang dating nito sa akin.

"Hindi kita lubusang kilala kaya wala akong basehan upang ayawan ka."pagdadahilan ko

Lihim ng KahaponWhere stories live. Discover now