Kabanata 8

223 15 9
                                    



Ilang araw matapos ang naging pag-uusap namin ni ama, hindi ko na siya namataan pa sa aming tahanan. Palagi siyang umaalis at may inaasikaso. Hindi ko alam kung galit parin ba siya at iniiwasan ako.

"Ina, nasaan po si ama?"bungad ko kay ina na nasa aming sala at nananahi

"Umalis na siya kanina pa."sagot niya

Magsasalita pa sana ako nang masita niya akong muli sa pagkakapirmi ko roon.

"Anong ginagawa mo pa rito sa ating tanggapan? Umakyat ka na sa iyong kwarto Divina."

"Po?"naguguluhang tanong ko

"Sige na. Hindi ko alam kung anong oras darating ang aking panauhin at ayokong madatnan ka niya rito."

"Bakit po?"usisa ko upang amalaman sana ang magiging panauhin ni ina

"Hindi mo dapat marinig ang aming pag-uusapan. Iyon ay para lamang sa matatanda. Sige na."pagpapaalis niya sa akin

"Ngunit ina, wala naman akong gagawin sa--"

"Mariana."tawag ng isang lalaki at lumitaw ito sa may pintuan habang nakangiti

Agad na bumaling sa gawi ko ang tingin niya at bakas ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat nang makita ako.

"Divina?"tanong ng nasabing lalaki na hindi ko kilala

Halata sa kanya ang pagkagulat ang pagkamangha sa nakita. Sa aking palagay ay magkaibigan sila ni ina. Ipinapanalangin ko na tama ang aking hinala. Magkasing-edad lamang sila sa aking palagay.

"Divina."agaw pansing tawag sa akin ni ina

Naintindihan ko kaagad ang pahiwatig niya Nais niyang tumaas ako at manatili sa aking kwarto hanggang sa sila ay makapag-usap. Nilukuban ako ng kaba sa dibdib ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon.

"Paalam po ngunit kailangan ko nang umalis."paalam ko sa kanila at marahang tumungo

Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya sa inasal ko. Nagbadya pa siyang lalapitan ako ngunit hindi iyon nagpatuloy.

"Marahil nangungulila ka na sa aking anak, Divina. Ipagpatawad mo ngunit sisiguraduhin kong magkikita kayong muli. Huwag kang mabahala."ngumiti ito sa akin at sinuklian ko naman iyon

Kung ganoon? Tama ba ang hinala ko? Ama ba siya ni Ricardo? Siya ba ang Don Del Real?

Nang makaakyat ako sa aking silid. Iginala ko na lang ang aking mata sa lugar upang maalis sa aking isipan ang nangyari. Napansin ko ang pagkalanta ng bulaklak na mirasol. Nakakalungkot lamang na wala na akong pamalit roon na galing sa kanya. Pagkatapos kasi ng pagkikita naming tatlo ni Valeria at Ricardo, hindi na ito nagpadala ng bulaklak para sa akin. Marahil pinili niya na lang na ibigay ito kay Valeria. Hindi ko alam.

Pagkalipas nang ilang minuto naramdaman ko na lang ang pagpasok ni Laura sa aking silid.

"Naku! Ipagpatawad mo Senorita. Ang akala ko ay naroon ka sa tanggapan kasama ng iyong ina. Nais ko sanang maglinis."tumungo ito sa paghingi ng paumanhin

"Ayos lang 'yun."kaswal kong sabi

Lumunok ako para pigilan ang kung anumang nababadyang tanong na lalabas sa aking bibig.

Lihim ng KahaponWhere stories live. Discover now