Kabanata 9

386 18 15
                                    

Unti-unting nagmulat ang aking mga mata. Malabo ito nung una hanggang sa unti-unti kong naaninag ang buong paligid. Bumungad sa akin ang puting kisame at nang tumingin ako sa kaliwa ko ay nakita ang mukha ng aking ina at may kaunti pang bakas ng luha sa kanyang mga mata.

"Divina! Divina! Salamat at nagising ka na, anak ko!"sabi niya at niyakap ako mula sa tagiliran

Napansin ko ang kasuotan ni ama at ang buong paligid ng silid na kinaroroonan ko at nalungkot ako sa naisip. Nandito parin ako. Nagising akong muli sa panahon pa rin na ito. Ang akala ko ay makakatakas na ako ngunit hindi parin pala, at hindi ko maintindihan kung bakit.

"Mariana. Huwag mo munang lapitan si Divina. Lubhang mahina pa ang kanyang katawan."mahinahong sabi ni ama

"S-si Ricardo po."hindi ko napigilang tanong

Agad akong nagsisi sa tinanong nang kumunot ang noo ni ama at nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa pag-alala ay mabilis itong napalitan ng inis. Mahina kong pinagalitan ang aking sarili nang makalimutan na narito nga pala si ama at isang pagkakamali ang pagbanggit ng pangalan ni Ricardo kanina.

"Huwag mong hanapin ang wala rito, Divina."matigas na utos ni ama

Bakit wala siya rito? Hindi ba siya ang kasama ko kanina. Kung mayroon mang magdala sa akin dito, walang iba kung hindi siya. Ngunit nasaan siya ngayon? Iniwan ba niya ako? Pinalayaa ba siya ng magulang ko? Hindi man lang ba siya dumalaw sa akin.

Itinagilid ko ang mukha ko at namuo ang luha sa aking mga mata. Nakakainis na nagiging emosyonal pa ako sa oras na ito.

"Ayos ka na ba, anak?"bakas sa tanong ni ama ang pag-alala kaya bumaling ako sa kanya at tumango

"Mabuti kung ganoon."

"Pinag-alala mo kami! Mabuti na lang at nagising ka na ngayon."

"Ano po ba ang nangyari? Nasaan po ako?"

"Nandito ka sa pagamutan sa ating lugar. Inaapoy ka ng lagnat at isang araw ka nang hindi nagigising."paliwanag ni ina at pinahid ang kanyang luha

Tila natigilan ako sa sinabi ni ina. Dalawang araw na akong walang malay at ngayon lang ako nagising? Naisip na lubhang naging malubha nga ang lagay ko.

"Bakit hindi ka nagpaalam at tumakas na lamang, Divina? Hindi ka man lamang nagsama ng kahit na sino!"medyo tumaas ang boses ni ama

"Teodoro. Tama na iyan. Hindi ito ang oras para pagalitan si Divina. Intindihin mo naman ang kalagayan ng ating anak."

"Kaya nga ako, nagdaramdam ay dahil iniitindi ko ang kaligtasan niya! Hindi ko nais na mapahamak siya! Ngunit ano ang nangyari? Hindi ba't kung ano ang iniiwasan ko ay siya pa ang nangyayari?! "tuluyan nang lumabas ang galit at sama ng loob ni ama sa aking ginawa

"Patawad ama."iyon na lamang ang nagawang kong sabihin

"Bakit mo kasama ang lalaking iyon?"nanlaki ang aking mata sa tinanong niya at parang natakasan ako ng ulirat dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya

"Teodoro!"

Hindi ako nakasagot ata nanatili lamang na tahimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lihim ng KahaponWhere stories live. Discover now