Kabanata 2

315 23 3
                                    


"Umibig ka na ba Binibini?"malumanay niyang tanong

"Bakit mo naman naitanong?"kunot-noo kong sabi

"Nais kong malaman kung iyong mamarapatin."sabi niya at ngumiti

"Oo. Naranasan ko nang umibig."pagkukumpirma ko

Naalala ko ang buhay ko sa kasalukuyan. Masaya ako sa boyfriend ko. May mga hindi kami pagkakaunawaan paminsan-minsan pero naayos naman namin. Mahigit tatlong taon na kami at naghahanda na para sa aming kasal! Oh my god! Oh my god! Ikakasal nga pala ako! Kailangan ko nang bumalik sa kasalukuyan! Kailangan ko nang malaman kung bakit ako nandito at paano ako makakabalik! Baka hindi pa matuloy yung kasal namin ni Boo!

Boo..

"Boo.."bulalas ko

"Binibini? Ayos ka lang ba?"nag-aalala niyang sabi

"Ahh,oo. May naalala lang ako."

"Ano 'yung Boo?" usisa niya sa akin

Boo? Nasabi ko ba 'yun? Boo..Paano ko sasabihin ang ibig sabihin nun? Uhhmmm.. Ricardo, endearment kasi 'yun, meaning boyfriend/girlfriend. 'Yun ang tawag ko sa aking iniibig. Ganun? Ang galing mo talaga Dei! Mabuhay ka! Sa dami nang masasabi mo, 'yun pa! Ano? Magpapakaromantic ka ngayon?

"Ahh--ehhh.. Iyon ang sinasabi ko kapag nais kong manggulat."sabi ko at iminuwestra sa kanya kung paano

Tumawa naman siya na parang namamangha sa ginagawa ko. Napatawa na lang rin ako. Mukha kang tanga ka, Dei. Pakatanga ka pa dito sa panahong 'to. Sige lang. Wala namang nakakilala sayo rito.

"Ikaw? Naranasan mo na ba ang umibig?"tanong ko sa kanya

"Hindi ako maaaring umibig Binibini."mapait niyang sabi

"Bakit? Nakatakda ka bang ipakasal sa iba?"

"Masisira ko ang aking pangako sa aking pamilya."seryoso niyang sabi

"Sa aking palagay ay marangya naman ang inyong pamumuhay, at may sapat na pera kaya ano ang iyong pinangangamba?"

Oh my god! Gumagaling na ako magTagalog! Sobrang deep! Baka madala ko 'to sa kasalukuyan, mukha akong tanga dun! Ano ba naman 'yan Dei! Huwag mo namang career-in!

"Maaga kaming nangulila sa aking ina, dalawang taon pa lamang ako nang mawala siya. Lubhang nalungkot ang aking ama sa pagkawala niya. Mula noon ay nahirapan kami sa aming pamumuhay. Bilang panganay sa apat na magkakapatid, kinailangan kong mag-aral nang mabuti at itaguyod ang aking mga kapatid."kwento niya

"Kahanga-hanga ang pagiging matatag mo. Natutuwa ako at maayos na ngayon ang pamumuhay nyo."masaya kong sabi

"Ito ay dahil unti-unti na ring nakabangon ang aking ama mula sa pagkawala ng aking ina pagkalipas ng maraming panahon. Nakatapos na rin ako ng pag-aaral kaya naman nakakatulong na rin ako sa pagpalalago ng aming negosyo at mga lupain." pagpapatuloy niya

"Mabuti kung ganoon. Nararamdaman ko na mabuti kang anak."bati ko sa kanya at tinapik ang balikat niya

"Salamat. Iyon naman ang nais ko."

Lihim ng KahaponDonde viven las historias. Descúbrelo ahora